Youth Entrepreneurship Isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod

Youth Entrepreneurship Isinusulong ng Pamahalaang Panlungsod

Pinangunahan ng Youth Affairs Office ang paglulunsad ng Youth Entrepreneurship sa temang “Harnessing Our Own Resources for the Advancement of the Youth (HOORAY)!” noong ika-23 ng Agosto sa SM Center Imus.

Sa ilalim ng programang ito nakapaghatid ng workshop, seminar at mentorship opportunities ang Pamahalaang Lungsod sa mga kabataang Imuseño. Ito ay binubuo ng apat (4) na certificate programs: General Entrepreneurship, Automotive Technology, Cosmetology at Early Childhood Education.

Layunin ng programa na higit na makatulong sa mga kabataang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad at suporta sa larangan ng pagnenegosyo.

Ipinagtitibay rin ng programang ito ang karapatang-pantao ng mga kabataan sa usaping entrepreneur na nakasaad sa Republic Act 10679 o Youth Entrepreneurship Act na naisabatas noong ika-27 ng Agosto taong 2015.

Sa papamagitan ng ganitong programa higit na maisusulong ang basic curriculum upang lalong mahikayat ang mga kabataang Filipino na maging entrepreneurs at magtayo ng kani-kanilang negosyo sa murang edad pa lamang. Ito rin ay isang paraan upang makatulong sa mga mamamayan na nahihirapang makahanap ng trabaho.

17total visits,3visits today

Add Comment