Yeoncheon, Namahagi ng Tulong at Saya sa mga Kabataang Imuseño

Yeoncheon, Namahagi ng Tulong at Saya sa mga Kabataang Imuseño

Pagbisita at pagbibigay ng tulong sa Bahay Kalinga ng delegasyon mula sa Yeoncheon Volunteer Center

Pamamahagi ng tulong ng YVC sa mga kabataan ng Bahay Kalinga

Lungsod ng Imus – Masayang nakibahagi at nagbigay ng tulong noong Nobyembre 22, 2017 ang mga Korean delegate ng Yeoncheon County, sister city ng lungsod sa South Korea, sa mga programa ng lungsod para sa mga kabataang Imuseño.

Ang delegasyon ay binubuo ng 20 na miyembro mula sa Yeoncheon Volunteer Center at tatlo (3) para sa  Imus-Yeoncheon Employees Exchange Program.

Pakikisaya ng mga miyembro ng YVC sa isinagawang book fair ng City of Imus LCPC sa The District Imus at pagbili ng mga libro sa iba’t ibang book exhibitors

 

Kabilang sa mga pumunta sa lungsod si Gng. Lee Hyangsoon, mga miyembro ng Yeoncheon Volunteer Center (YVC) sa pamumuno ni G. Kang Jungsik, Acheulean branch of YVC Chairperson Gng. Lee Hyungsook, Hair Jigi branch of YVC Chairperson G. Sim Kyuduk, Regional Economy Department Associate Gng. Lee Soyeon, Public Health and Medical Institute Associate Gng. Park Ji Hye, Culture and Tourism Department Team Leader for Music Festival G. Park Sucheol at Yeoncheon Township Office Supervisor G. Kim Jong Uk.

Nag-ikot sa lungsod at sa ibang lugar sa bansa ang mga bisita mula sa sister city ng Imus. Nakiisa rin sila sa mga programang pangkabataan ng Imus at nagbahagi ng tulong sa mga bata ng Bahay Kalinga.

Bahagi ng kanilang ibinigay na tulong sa Lungsod ng Imus ang dalawang (2) unit ng 15-door locker, limang (5) wall fans, apat (4) na tables, tatlong (3) fluorescent bulb, sampung (10) bed mattress, mga libro, mga kagamitan sa paggugupit at pananahi, gamot, saxophones, piano, mga damit at laruan.

Paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Yeoncheon County at Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa donasyon ng fire truck.

Nakiisa rin sila sa kauna-unahang book fair na inilunsad ng Imus sa The District Imus noong ika-23 ng Disyembre at nakisaya sa mga mag-aaral ng Pasong Santol Elementary

School na dumalo sa nasabing programa.

Malaking tulong ang kanilang mga donasyon at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaang lokal para sa pagsasaayos ng pasilidad ng Bahay Kalinga at para sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataang Imuseño.

 

534total visits,1visits today