World Rabies Day, Ipinagdiwang

World Rabies Day, Ipinagdiwang

Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ay nakiisa sa selebrasyon ng World Rabies Day sa pangunguna ng City Veterinary Services Office noong ika-22 ng Setyembre sa Imus sports Complex.

Tampok sa selebrasyon ang libreng anti-rabies vaccination, konsultasyon, registration, spay at neuter na dinagsa ng daan-daang Imuseño.

Ang pagdiriwang na ito ay nakasentro sa pagbibigay ng serbisyo sa mga alagang hayop at pagsulong sa pagiging Rabies Free City ng Imus.

Higit sa selebrasyon ng World Rabies Day, patuloy din ang pag-iikot sa bawat barangay para makapaghatid ng anti-rabies vaccination at libreng pet registration.

Isa rin sa mga hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pag-aampon ng mga alagang aso na libreng isinasagawa ng City Veterinary Services Office sa Dog Adoption Day (DAD) na programa nito. Ang mga alagang aso na ito ay mula sa mga nakagala sa kalsada na kanilang nakuha at dinaan sa masusing pagsusuri kung maaaring ito ay isama para sa adapsyon. Ang alagang aso ay mayroon na ring libreng anti-rabies vaccination bago isalang sa adoption program.

Bukod sa kapakanan ng mga alagang hayop, pinapangalagaan din ng Pamahalaang Lungsod ang kaligtasan ng bawat mamamayang Imuseño.

52total visits,1visits today