World Rabies Day 2019: Vaccinate to Eliminate

World Rabies Day 2019: Vaccinate to Eliminate

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ng City Veterinary Services Office ang World Rabies Day na may temang “Vaccinate to Eliminate” noong ika-14 ng Setyembre sa tanggapan nito sa Tahimik Street, Poblacion III-B.

Bahagi ng pagdiriwang ang paghahatid ng pamahalaang lungsod ng mga libreng serbisyo para sa mga alagang hayop. Kabilang sa mga ibinigay na serbisyo ang libreng spay and neuter sa 259 na aso at pusa, rabies vaccination sa 334 alagang hayop, pagsasagawa ng konsultasyon sa 36 na hayop, at deworming para sa 301 na aso at pusa.

Kaisa ang PetDentity, mayroon ding microchipping para sa mga alagang hayop na ibinibigay sa murang halaga.

Bukod dito, naging kabahagi rin ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng libreng serbisyo ang PetMate Animal Clinic, Pet Family Clinic and Grooming Center, Southland Dog Club at Cavite Veterinary Medical Association.

Ayon sa tala, higit sa 100 ang kaso ngayong 2019 ng mga taong nakagat ng aso sa buong bansa. Dahil dito, patuloy ang paghahatid sa bawat barangay ng mga mahahalagang impormasyon at epektibong serbisyo upang magbigay alerto at kaalaman sa kahalagahan ng pagbabakuna ng kanilang mga alagang hayop.

Ang pagdiriwang na ito ay nakasentro sa pagbibigay ng serbisyo sa mga alagang hayop at pagsulong sa pagiging Rabies Free City ng Imus.

Higit sa selebrasyon ng World Rabies Day, patuloy din ang pag-iikot sa bawat barangay para makapaghatid ng anti-rabies vaccination at libreng pet registration.

55total visits,2visits today

Add Comment