We Make Change Work for Women: Paggunita ng Imus sa Buwan ng mga Kababaihan

We Make Change Work for Women: Paggunita ng Imus sa Buwan ng mga Kababaihan

Sa temang ‘We Make Change Work for Women,’ masayang ipinagdiwang ang Buwan ng mga Kababaihan nitong Marso sa pamamagitan ng mga programa at aktibidad sa pangunguna ng Gender and Development Unit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

Pinangunahan nina City Mayor Emmanuel Maliksi, City Vice Mayor Ony Cantimbuhan, Coun. Larry Nato, kinatawan ng Komite ng Kababaihan at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang isinagawang ‘Walk of Men for Women’ Parade noong ika-dalawa ng Marso sa Imus City Plaza bilang panimula ng isang buwang pagdiriwang.

Kaagapay naman ang City Tourism Development Office (CTDO) sa isinagawang taunang paligsahan na Cookfest ni Erpat – Imus City Hall Employee Edition kasunod ng opening ceremony sa Imus Sports Complex. Dito, ipinamalas ng 13 na kalahok ang kanilang natatanging luto ng ‘Sinampalukang Manok’ bilang isa sa mga tradisyunal na pagkaing Pinoy.

Sa patimpalak, itinanghal na kampeon si Michael Loyola ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial and Enterprise Development Office (CICLEDO), Nelson Dua ng City Admin Office bilang first placer at Raymond Canaynay ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) bilang 2nd placer. Nagsilbi naming mga hurado sina Art Pangilinan. Chef Clark Dominguez at Chef Daryll De Ocampo.

Naging matagumpay din ang ikalawang Women’s Forum para sa mga kababaihang kawani ng Pamahalaang Lungsod noong ika-11 ng Marso sa Imus Sports Complex. Naghatid ng makabuluhang talakayan sina Ms. Delia I. Lojo, Presidente ng ACCESS para sa ‘Self-care and Women’ at Dr. Ma. Teresa Gustilo-Villasor, Clinical Assessment and Developmental Psychology Specialist para italakay ang ‘Women: Reclaiming Self Worth and Power in Relationships and Family.’

Bahagi rin ng selebrasyon ang pamamahagi ng Women’s Kit at Educational Trip sa National Museum at Wensha Spa para sa mga kababaihang kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

 

Bukod pa dito, nakibahagi rin ang iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng serbisyo at kaalaman sa mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa komunidad.

Ang mga kababaihan, iba-iba man ang ginagampanan, ay may malaking bahagi sa paghubog ng bawat tahanan at maging sa patuloy na pagsulong ng mga gawain at programang pangkaunlaran ng lipunan.

42total visits,1visits today

Add Comment