BAGONG SKILLS TRAINING CENTER SA IMUS NAITAYO NA

BAGONG SKILLS TRAINING CENTER SA IMUS NAITAYO NA

Unveiling Ceremony ng Imus Polytechnic Institute kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at Liwayway Marketing Corp.

 

PORMAL na isinalin sa poder at pangangasiwa ng City Government of Imus ang bagong tayong Imus Polytechnic Institute (IPI) nitong Hunyo 19 sa isang simpleng seremonya sa Barangay Anabu.

Ang paaralan na nasa ilalim ng pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Liwayway Marketing Corp. (LMC) sa pamumuno ni G. Carlos Chan, Huanggang Polytechnic Collge at Pamahalaang Lungsod ng Huanggang, China sa pamumuno ni Deputy Mayor Chen Shaomin

Pagtugon at pasasalamat ni Mayor Maliksi sa paggawad ng ImusPolytechnic Institute.

Ang tatlong palapag na gusali ay itinayo sa lupa na iginawad ni G. Chan sa Pamahalaang Lungsod na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway.

Sa pahayag ni G. Chan, ipinaabot niya ang kanyang kagalakan sa magandang ugnayan ng LMC at Pamahalaang Lungsod ng Imus at patunay nga rito ang pagtatayo ng Imus Polytechnic Institute.

“I am very much grateful today as it is another milestone for the relationship of Liwayway Marketing Corp. and the City of Imus. The turnover of this building is a proof of commitment of Liwayway to support the people of Imus,” aniya ni G. Chan.

Bilang tugon, lubos rin ang pagpapasalamat ni Mayor Maliksi sa tiwala at suporta ni G. Chan sa adhikain ng Pamahalaang Lungsod para sa kalidad na edukasyon ng bawat mamamayang Imuseño.

“Sa puso ng mga Imuseño napakalaking tulong at utang na loob ang amin pong titingnan sa inyong pagbibigay ng napakagandang gusali at paaralan. Ipinaaabot din po namin ang aming napakalaking pasasalamat sapagkat ang mga magsisipagtapos dito at gagamit ng gusaling ito ay lagi pong dadalhin hindi lamang ang karangalan ng lungsod ngunit kasama na rin ang karangalan ng mga institusyon na tumulong upang mabuo ang programang ito,” pahayag ni Mayor Maliksi.

Pagbibigay ng Symbolic Key ng Imus Polytechnic Institute sa pangunguna ni G. Carlos Chan at Hon City Mayor Emmanuel L Maliksi.

Ayon din kay Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, naisip na itayo ang skills training center upang magkaloob ng mataas na uri ng edukasyong teknikal sa mga kabataang Imuseno at sa mga propesyonal, upang matugunan ang malaking kakapusan ng mga expertong manggagawa na kailangan ng malalaking industriya, export processing zone at mga pab rika sa Cavite.

“Pangarap po natin na magawang isang ‘Center of Excellence’ ang Imus Polytechnic Institute na dito po ay tuturuan, gagawing magagaling at experto ang mga kabataang Imuseno. The school also welcomes students from all over the province as well,” dagdag ng alkalde.

Upang matamo ang nasabing mithiin ng pamahalaan, ipinaliwanag ni Mayor Maliksi ang ipapatupad na Dual Training System (DTS) program.

“Dito ay tuturuan ang mga estudyante ng teorya at practical implementation ng matutunan nila sa loob mismo ng pabrika. Ito ang tinatawag na in-plant and in-school training na iaangkop ang sistema ng pagtuturo sa pangangailangan ng kompanya at ng labor market,” paliwanag ni Mayor Maliksi

Isasangkap din sa pagtuturo sa IPI ang kasalukuyang pamantayan, kalikdad at kasanayan ng mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Paliwanag ng alkalde, ang bawat estudyante ay kailangang tapusin ang isang kurso sa loob ng apat o anim na buwan ng pagtuturo at pagsasanay, bago siya tanggapin ng isang kompanya na may akreditasyon mula sa IPI

Ang IPI ay kinabibilangan ng apat na kurso: Electrical Installation and Maintenance NC II, Technical Drafting NC II, Mechatronics Program NC II at Instrumentation Servicing NC II.

Aniya pa, sa susunod na taon, maaaring magdagdag ng iba pang kurso, at ito ay batay sa pangangailangan ng akreditong kompanya ng IPI, at ayon sa magiging desisyon ng Board of Trustees ng kolehiyo.

Aniya pa, ang gusali ay patotoo rin sa adbokasiya ng akalde na makapagbigay ng de kalidad na edukasyon sa kabataang Imuseño at makatulong sa kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagkakaloob ng maayos na trabaho sa bawat mamamayan.

200total visits,2visits today

Add Comment