Una at Ikalawang Batch ng mga Mag-aaral ng CIPI, Nagsipagtapos na!

Una at Ikalawang Batch ng mga Mag-aaral ng CIPI, Nagsipagtapos na!

City Mayor Emmanuel L. Maliksi kasama ang City of Imus Polytechnic Institute staff at mga nagsipagtapos na mag-aaral.

Mga mag-aaral ng Technical Drafting NC II sa kanilang in-school training.

Masayang sinalubong ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi ang una at ikalawang batch ng mga nagsipagtapos sa City of Imus Polytechnic Institute (CIPI) noong ika-2 ng Hulyo 2018.

Sa tala, 50 ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa kursong Technical Drafting NC II na nagsimula noong Marso 14.

Ang CIPI ay nagbukas at nagsimulang tumanggap ng mga mag-aaral noong Enero ngayong taon. Ito ang natatanging pampublikong institusyon sa probinsiya ng Cavite na may Earn, Learn and be Multi-skilled Program kung saan magkasama ang in-plant at in-school training na angkop sa pangangailangan ng labor market.

Sumailalim ang mga mag-aaral sa isang (1) buwang pagsasanay sa ilalim ng mga technical skills instructor ng Pamahalaang Lungsod.

Sa mga susunod na buwan ay sasanayin ang mga mag-aaral sa iba’t ibang mga partner institution at kompanya ng CIPI upang maihanda sila sa pagtatrabaho at aktuwal na maisagawa ang kanilang mga pinag-aralan sa kanilang napiling kurso.

Pagbibigay ng mensahe ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi sa mga nagsipagtapos.

Ang pagtatayo ng CIPI ay tugon sa layunin ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng institusyon na magsisilbing “Center of Excellence” sa pagbibigay ng teknikal na kaalaman at kalidad na edukasyon na abot kaya ng mga mamamayan.

Ang institusyong ito ay nabuo sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, Huanggang, China at Liwayway Marketing Corp.

Ngayong buwan, kasalukuyang tumatanggap ang CIPI ng mga Imuseño na nais mag-aral at sumailalim sa technical skills training ng pamahalaan.

135total visits,2visits today