Tuloy-tuloy na Serbisyo hatid sa mga Senior Citizen ng Imus

Tuloy-tuloy na Serbisyo hatid sa mga Senior Citizen ng Imus

Mga senior citizen na tumanggap ng social pension sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Imus Senior Citizens Association Inc. (IMUSCAI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office

Pamamahagi ng social pension sa mga indigent senior citizen.

Nag-uumapaw na serbisyo ang hatid ng Pamahalaang Lungsod para sa mga senior citizen sa tulong ng iba’t ibang mga aktibidad nito para sa kapakanan ng mga nakatatandang Imuseño.

Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Imus Senior Citizens Association Inc. (IMUSCAI) isinagawa ang biometrics para sa mga senior citizen sa tanggapan ng OSCA.

Layunin ng biometrics na maayos at mabilis na maitala ang bilang ng mga senior citizen sa lungsod at maibigay ang karampatang benepisyo para dito.

Kasunod nito, ipinamahagi rin ang social pension sa mga indigent senior citizen kasama ang OSCA, IMUSCAI at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office katuwang ang City Treasurer’s Office.

Bukod dito, tuloy-tuloy din ang pagsasagawa ng mga Wellness Program katuwang ang GreenMed Naturopathic Center sa iba’t ibang cluster sa Imus.

Biometrics ng mga senior citizen sa bawat cluster.

Nagsasagawa rin ang Pamahalaang Lokal ng Medical, Dental at Optical Mission na kung saan mayroong libreng eye checkup, eye glasses, medical checkup, dental checkup at iba pa para sa mga senior citizen.

Sinisikap din ng pamahalaan na tutukan ang bawat sektor sa lungsod kabilang na ang mga senior citizen. Dahil dito, ang mga programang ito ay magpapatuloy pa sa mga darating na buwan upang makapaghatid ng epektibong serbisyo sa lahat ng mamamayan.

 

252total visits,1visits today