Tuloy-tuloy ang Saya sa pagdiriwang ng OctoberPETStival sa Lungsod ng Imus

Tuloy-tuloy ang Saya sa pagdiriwang ng OctoberPETStival sa Lungsod ng Imus

Hindi lamang mga mamamayan ang bida sa Lungsod ng Imus kundi pati na rin ang mga furry friends. Pinangunahan ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang ika-limang PETstival noong Oktubre 20, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi sa Imus City Plaza.  Nakapaloob ang programang ito sa OctOverload 2018 na isang buong buwan na puno ng saya’t serbisyo para sa mga Imuseño.

Sa ika-limang taong pagdiriwang ng PETstival, nagkaroon ng Dog Expo kung saan iba’t ibang exhibits at programa ang napaglibangan ng mga alagang hayop at kanilang mga owners.  Ilan dito ang Dog Gymboree, mga food booths at gift items. 

Tampok din ang Dog In Honor Pet Fun Run sa pangunguna ng mascot na sina Max at Zoomie. Sa fun run na ito, sabay na tumakbo ang mga dog owners at ang kanilang alaga. Nagkaroon din ng pet blessing sa nasabing PETStival.

Bago mangyari ang pagdiriwang, ang mga alagang aso, pusa at iba pang mga hayop ay nabigyan ng libreng bakuna at check-up ng City Veterinary Services Office sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga partner establishments.

Dahil sa nakagawian nang PETStival taun-taon, at sa pagiging likas na mapagmahal sa mga alagang hayop ng mga Imuseño, hindi malayong maideklarang pet-friendly city ang Lungsod ng Imus, na sya namang nais ni Mayor Maliksi, na kilala ding pet lover at animal welfare advocate. “Ang pangarap ng city sa 2020 ay maging rabies-free,” ayon naman kay Vice Mayor Ony Cantimbuhan, kaya naman masigasig ang Pamahalaang Lungsod sa ganitong programa at adbokasiya.

 

24total visits,1visits today