Tugon ng Pamahalaang Lungsod sa mga Pangunahing Pangangailangan ng mga Mamamayan

Tugon ng Pamahalaang Lungsod sa mga Pangunahing Pangangailangan ng mga Mamamayan

Kabilang sa mga naging suliranin ng mga bawat mamamayan sa kinakaharap na krisis pangkalusugan ng bansa ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bilang tugon, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng food packs sa bawat sambahayan. Ito ay binubuo ng bigas, instant noodles, canned goods, hygiene kits at gulay na nagmula sa mga local farmer.

Ang bawat tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, mga organisasyon at samahan sa Imus ang aktibong nakibahagi sa repacking ng mga food pack upang agarang maipamahagi sa bawat samahayan.

Malaking tulong din ang mga donasyong natanggap ng lungsod mula sa pribadong sektor at mga organisasyon. Kabilang dito sina Mr. Ali Liao ng Mei Trend Philippines, LongCheng Chinese Association, Chongka Corporation, With Him Trading Incorporated at JLJ General Merchandise Ubana Plastic at Metal Fab Works.

Bahagi ng prayoridad ng pamahalaan na matulungan ang mga pamilya na may Php 10,000 pababa na buwanang kita mula sa resulta ng isinagawa noon na Community Based Monitoring System (CBMS) sa pangunguna ng City Planning and Development Office (CPDO).

Bilang mga prone to risk, malaki rin ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng mga senior citizen. Dahil dito, namahagi ang tanggapan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at Imus Senior Citizen Association, Inc. (IMUSCAI) kasama ang City Treasurer’s Office ng Php 1,000 subsidy at Vitamin C sa bawat kabahayan ng mga senior citizen.

Ang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamilyang Imuseño ay nagsilbing malaking hamon sa pamahalaan buhat sa dumaraming bilang ng mga naninirahan sa lungsod. Ganoon pa man, naging masigasig ang Pamahalaang Lungsod sa pagtugon dito. Naniniwala ang administrasyong Maliksi na sa pagtutulungan ng mga namumuno, at pakikiisa ng iba’t ibang tanggapan at mga mamamayan, walang pagsubok ang hindi mapagtatagumpayan.

8005total visits,453visits today

Add Comment