Toclong Elementary School, Nagtala ng 100% EK Membership

Toclong Elementary School, Nagtala ng 100% EK Membership

Simbolikong pamamahagi ng BIDA KArd kasama ang mga bumubuo sa City of Imus LCPC, CICDO, mgaPunong Barangay at Toclong Elementary School.

Pagbibigay ng mensahe at pasasalamat ni Mr. Christian Mespher Hernandez, Teacher-in-Charge ng Toclong Elementary School.

Toclong Elementary School – Noong Pebrero 14, 2018 inilunsad ng Toclong Elementary School sa pangunguna ng kanilang Teacher-in-Charge, G. Christian Mespher Hernandez ang Project Puso para sa pagpaparami ng miyembro ng Eskwela Kooperatiba (EK) kasabay ng simbolikong pamamahagi ng 513 BIDA KArd sa mga mag-aaral.

Ang Project Puso ay isang adopt-a-child initiative na kaabikat ng adbokasiya ng EK na ituro ang kahalagahan ng pag-iimpok sa bawat kabataan ng lungsod. Layunin nito na mangalap ng sponsors na tutulong para sa membership ng mga mag-aaral at magkaroon sila ng sariling savings account sa kooperatiba. Ang sponsorship ay nagkakahalaga ng Php 50.00 para sa membership ng isang mag-aaral.

Mula sa naitalang 11% EK membership, tumaas ito ng 100% dahil sa inisyatibo ng paaralan kasabay ng pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaaan.

Nakiisa sa programa ang City of Imus Cooperative Development Office sa pangunguna ni Dr, Emmanuel Santiaguel, OIC-Schools Division Superintendent Dr. Editha Atendido, Local Council for the Protection of Children Focal Person Ms. Dulce Bustamante, Division EK Focal Person Mr. Arturo Rosaroso, Jr., Toclong 1st Multipurpose Cooperative, mga Punong Barangay (1-A, 1-C at 2-B) at mga miyembro ng Parents and Teachers Association (PTA) ng paaralan.

(Mula sa kaliwa) Dr. Emmanuel Santiaguel, Dr. Editha Atendido, Mr. Greforio Co at Mr. Christian Mespher Hernandez

Sa tala ng CICDO, ito ang kauna-unahang pampublikong paaralan na nakapagmiyembro ng lahat ng kanilang mag-aaral sa EK.

Sa mensahe ni Dr. Santiaguel, hinikayat niya ang bawat mag-aaral na mag-impok at makiisa sa programa ng Pamahalaang Lungsod na EK Savers Program kung saan kinikilala ang mga batang consistent sa pagdedeposito sa kanilang EK savings account.

Matapos ang 100% EK membership, isinagawa ang simbolikong pamamahagi ng BIDA Kard sa mga mag-aaral na naglalaman ng kanilang pribilehiyo at discounts sa mga partner establishment sa Imus.

Isa lamang ito sa mga programa na sinusuportahan at isinusulong ng pamahalaan upang mapalaganap at maturuan ang bawat isa ng financial literacy kahit sa murang edad pa lamang.

 

87total visits,1visits today