Imus Sports Complex – Tampok sa ika-apat (4) na taon ng Imus Social Media Fest (ISMF) noong ika-23 ng Agosto ang malikhaing gawa ng mga kabataang Imuseño na nakasentro sa wika at kasaysayan.
Ang ISMF ay nahahati sa apat na kategorya: Mga Kwentong Bayan, isang Digital Comic Strip Making Contest kung saan ipinakita ang alamat ng mga barangay sa Imus; On-the-spot Baybayin Calligraphy Contest, kung saan ipinakita ang husay sa paggawa ng kaligrapiya, isang malikhaing paraan ng pagsulat tampok ang Baybayin na sinaunang alpabeto ng mga Filipino; Video Blog Making Contest tampok ang makasaysayang Lungsod ng Imus at mga masasarap na pagkaing Imuseño; at Short Film Making Contest na nakasentro sa mga salawikaing bahagi ng tradisyong Filipino na nagpapakita ng magandang aral.
Layunin ng programa na maipakita ang talento at husay ng mga kabataang Imuseño sa larangan ng pagguhit, pagsulat at paggawa ng mga maiksing pelikula. Kasabay ng pagbibigay ng importansya sa kasaysayan at wikang Filipino, na natataon sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Filipino tuwing Agosto.
Nasasalamin din sa programang ito ang malaking ambag ng social media sa pagpapalawak ng kamalayan ng mga kabataan lalong higit kung ito ay gagamitin sa tamang paraan.
KaligraPinas:
- Unida Christian Colleges (Bantayog)
- Maranatha Christian Academy (Usbong Lipi)
- Maranatha Christian Academy (Tanglaw Lahi)
People’s Choice: Unida Christian Colleges
Guhitroniko:
- Elizabeth Seton School South (Alamat ng Anabu)
- Maranatha Christian Academy (Alamat ng Alapan)
- Edward School (Alamat ng Alapan)
People’s Choice: Maranatha Christian Academy (Alamat ng Alapan)
Sinemuseño:
- Elizabeth Seton School-South
- Edward School
- University of Perpetual Help System Dalta-Molino Campus
People’s Choice: St. Edward School
VlogImuseño:
- Elizabeth Seton School-South
- Maranatha Christian Academy
- University of Perpetual Help System Dalta-Molino Campus
People’s Choice: Maranatha Christian Academy
475total visits,1visits today
Add Comment