Sa Imus, Bida si Lolo at Lola!

Sa Imus, Bida si Lolo at Lola!

Lungsod ng Imus-  Pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Imus Senior Citizens Association Inc. (IMUSCAI) ang masayang pagdiriwang ng Senior Citizens Week sa temang “Healthy and Productive Aging Starts with Me” noong unang linggo ng Oktubre.

Tampok sa ika-walong selebrasyon nito ngayong taon ang iba’t ibang programa para sa malusog na pangangatawan at maayos na kalusugan ng mga senior citizen.

Noong Oktubre 1 ay naghatid ng libreng serbisyo sa mga senior citizen kabilang na ang manicure, pedicure, masahe at gupit sa iba’t ibang cluster ng lungsod katuwang ang Imus Vocational and Technical School (IVTS).

Nakiisa rin ang City Health Office sa paghahatid ng libreng medical at dental services kasabay ng pagbibigay ng 100 Flu Vaccine sa mga senior citizen.

Nagbigay din ng saya’t ehersisyo ang mga kawani ng pamahalaan sa kanilang isinagawang iba’t ibang laro. Ilan sa mga ito ay ang bingo, bayanihan, smile toss at The Price is Right.

Hindi rin nagpahuli ang mga senior citizen pagdating sa sayawan at kantahan sa kanilang Forever Young Retro Dance Party: Senior Citizen Prom sa Imus Sports Complex noong ika-22 ng Oktubre.

Bukod dito, ilang programa rin ang ibinabahagi ng pamahalaan sa mga senior citizen. Kabilang dito ang Wellness Program na nasasailalim sa Legacy Projects ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi. Tunay na sa Imus, bida si lolo at lola!

 

 

 

 

4716total visits,1visits today

Add Comment