Sa Imus, Bida ang mga Bata!

Sa Imus, Bida ang mga Bata!

 

Lungsod ng Imus, Cavite – Noong ika-30 ng Abril nagsagawa ang Imus City Library sa pakikipagtulungan ng Cavite State University – Imus Campus ng Summer Reading and Mathematics Tutorial sa mga kabataang Imuseño.

Ang naturang programa ay naglalayong hubugin ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbabasa at paghahatid ng kaalaman sa matematika. Nakiisa dito ang 39 na kabataan kung saan 29 dito ang mga sumali sa Summer Reading at 11 sa Mathematics Tutorial. Ang mga ito ay nagsipagtapos at ginawaran noong ika-23 ng Mayo sa Imus Multipurpose Hall.

Ito ay malaking tulong sa mga kabataan lalong higit sa nalalapit nilang pagpasok sa paaralan.

Isa sa mga prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang edukasyon ng mga kabataang Imuseño, at katuwang nito ang Imus City Library sa implementasyon ng mga programa para sa kanilang lubos na pagkatuto.

Buhat din sa mga natatanging programa ng tanggapan, matatandaang hinirang ito bilang Most Innovative Library in Digital Literacy Services noong taong 2017 at 3rd Most Outstanding Public Library in the Philippines noong nakaraang taon na iginawad naman ng National Library of the Philippines.

Ang mga parangal na ito ang nagsilbing inspirasyon ng Imus City Library at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para makapaghatid ng mga natatanging serbisyo sa mga mamamayang Imuseño.

 

 

13total visits,2visits today

Add Comment