Sa Imus, Bida ang Handa!

Sa Imus, Bida ang Handa!

Fun Run sa The District Imus noong ika-1 ng Hulyo bilang pagsisimula ng selebrasyon ng National Disaster Resilience Month.

Sa Imus, Bida ang Handa!

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Imus noong buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa temang “Katatagan sa Kalamidad ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan.”

“Dugong Alay Ko, Dugtong ng Buhay Mo” bloodletting activity noong Hulyo 29 sa CityMall Anabu.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isinagawang fun run sa The District Imus noong ika-1 ng Hulyo na nilahukan ng daan-daang Imuseño at professional runners.Tampok dito ang iba’t ibang programa para sa dagdag kaalaman at higit na kahandaan ng mga mamamayang Imuseño laban sa mga kalamidad gayundin ang pagsulong sa adbokasiya nito para sa malusog na pangangatawan.

Para sa kahandaan ng mga mamamayan, kabilang sa mga isinagawang programa ang Barangay Disaster Summit noong Hulyo 14 na naglalayong makapaglahad ng karagdagang kaalaman sa mga barangay para maihanda nito ang komunidad sa baha, lindol, sunog at iba pang kalamidad. Kabilang din sa programa ang eksibisyon ng disaster equipment at pamamahagi ng first aid kit sa bawat barangay.

Pagbibigay ng mensahe ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi sa kahalagahan ng kahandaan ng bawat komunidad laban sa kalamidad.

Sa taunang selebrasyon, pinangunahan din ng CDRRMO ang “Dugong Alay Ko, Dugtong ng Buhay Mo” bloodletting activity sa CityMall Anabu noong Hulyo 29.

Ang isang buwang pagdiriwang na ito ay tunay na makabuluhan para sa pagpapatatag ng kahandaan ng bawat komunidad at pamilya sa lungsod. Inaasahan na sa susunod na taon ay mas palalawakin pa ang mga programa at higit na paiigtigin ang kahandaan at kaalaman ng mga mamamayan.

 

 

60total visits,1visits today