Road Clearing Operation sa Imus, Patuloy na Isinagawa

Road Clearing Operation sa Imus, Patuloy na Isinagawa

Patuloy ang pag-ikot ng Pamahalaang Lungsod sa mga pangunahing kalsada sa Imus sa pangunguna ng City Engineering Office, Office of the Building Official, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Imus Philippine National Police (PNP) para sa pagpapatupad ng Road Clearing Operation ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ilang mga istraktura ang inalis sa Open Canal sa Malagasang 2, NIA Road sa Carsadang Bago at Bucandala 3, Anabu Kostal-Malagasang Road at Daang Hari. Kabilang dito ang mga hindi awtorisadong tindahan, mga establisimyentong lumampas sa daanan, signage, debris, at iba pang nakakasagabal na istraktura. Hindi naman kabilang sa pagpapatupad ng road clearing ng DILG ang mga pribadong lupain.

Para sa maayos na implementasyon ng mandato ng DILG, hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang kooperasyon ng publiko.

Ang pagsasagawa ng road clearing operation ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular (MC) No. 2020-145 at MC No. 2020-027 na nagsimula noong ika-16 ng Nobyembre 2020. Layunin ng programa na matanggal ang mga ilegal na istruktura at mga bahagi nito na nakakasagabal sa mga pampublikong daan, at nakakaapekto sa daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga pedestrian.

Matatandaan na sinuspinde ang operasyon noong ika-16 ng Marso buhat sa implementasyon ng community quarantine sa bansa.

75total visits,2visits today

Add Comment