Panunumpa ng mga Bagong Lingkod-Bayan

Panunumpa ng mga Bagong Lingkod-Bayan

Noong ika-19 ng Hunyo opisyal an nanumpa sa katungkulan ang mga bagong opisyales ng Pamahalaang Lungsod kasama si Senator Cynthia Villar sa Coral Hall, East Ocean Palace.

Pinangunahan nina Congressman Alex L. Advincula, Mayor Emmanuel L. Maliksi at Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan ang isinagawang programa kasama ang bumubuo ng One Imus Legacy Team.

Kabilang din sa mga nakiisa sa programa ang mga Department at Unit Heads ng Pamahalaang Lungsod, at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na siyang nanguna sa isinagawang Turnover Ceremony.

Sa pahayag ng Punong Lungsod, kanyang ipinaabot ang pasasalamat sa bawat isang naging bahagi at sumuporta sa kanyang kampanya, at maging sa kanyang mga programa. Naniniwala siya na isa sa mga naging pundasyon ng kanilang partido ang pagkakaisa nito tungo sa iisang mithiin upang higit na mapaunlad ang Lungsod ng Imus.

Kasunod ng pagtatapos ng mga programa sa ilalim ng “Epektibong Lingkod Mamamayan” ay ang pagsisimula naman ng “Legacy Projects” na inihain at isinasagawa ni Mayor Maliksi para sa kanyang huling termino bilang alkalde.

5total visits,1visits today

Add Comment