Pangunahing Pangangailangan: Paglulunsad ng Mobile Market at Online Pamilihan

Pangunahing Pangangailangan: Paglulunsad ng Mobile Market at Online Pamilihan

Ilang mga makabagong programa ang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang higit na mailapit ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan sa kani-kanilang tananan. Sa tulong din ng mga ganitong programa naiiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga pamilihang bayan.

Una na rito ang Mobile Market sa pangunguna ng Imus Economic Investment Promotion office (LEIPO).

Sa pag-ikot ng mahigit 100 na mobile market sa bawat barangay at subdivision sa kanilang nakatakdang araw, mahigpit din ang pagpapatupad ng mga health at safety protocol para kaligtasan ng mga mamimili. Kabilang dito ang physical distancing sa iba pang mga mamimili at ang pagsusuot ng face mask.

Kabilang sa mga itinitinda rito ay mga gulay, karne, prutas at iba pang kasangkapan at pagkain.

Ang mga Mobile Market vendors ay sumailalim sa orientation at seminar ng Imus LEIPO upang masiguro ang pagsunod nito sa mga itinakdang alituntunin.

Bukod sa programang ito naglunsad din ang Lungsod ng Imus ng Online Pamilihan sa pangangasiwa ng Youth Entrepreneurs Service (YES) Cooperative, isang kooperatiba na binubuo ng mga kabataan sa Lungsod ng Imus.

Sa tulong ng Online Pamilihan, maaaring mabili ng mga Imuseño ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gamit ang kanilang mobile phone.

Isa rin sa isinusulong ng programa ang ‘cashless transaction’ para sa kaligtasan ng driver at mamimili. Dito, natanggap ang YES Coop ng bayad mula sa mga online channel kagaya ng mobile banking at GCash.

Para sa delivery services nito, kaisa naman ng Pamahalaang Lungsod ang mga tricycle drivers na apektado ng community quarantine. Gamit ang mga e-vehicle ng pamahalaan, dinadala nila ang mga pinamili sa bawat tahanan ng mga mamimili at mahigpit na ipinapatupad ang contactless delivery.

Bukod sa mga inisyatibong ito, sinisiguro rin ng Pamahalaang Lungsod sa tulong ng Local Price Coordinating Council o Price Control Committee na wasto ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihang bayan alinsunod sa suggested retail price ng Department of Trade and Industry (DTI).

54total visits,2visits today

Add Comment