Pakikiisa ng Imus sa BJMP, Binigyang Pagkilala

Pakikiisa ng Imus sa BJMP, Binigyang Pagkilala

Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Congressman Alex “AA” L. Advincula, Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni City Vice Mayor Arnel M. Cantimbuhan at mga kasamahan mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)

Noong Agosto 31, 2017 kasabay ng selebrasyon ng ika-26 na taong anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology sa Taal Vista Hotel, Lungsod ng Tagaytay, binigyang pagkilala si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi ng Regional Office ng naturang kawanihan buhat sa kanyang mga epektibong programa sa Imus BJMP.

Sa temang, “Sustinidong Paglilinis ng Bilangguan Tungo sa Hamong Pagbabago sa ating Lipunan” pinangunahan ni Regional Director Michael E. Vidamo, Sr., TLPE ang programa.

Buong suporta naman ang Pamahalaang Lungsod sa Imus BJMP, na nasa ilalim ng pamumuno ni JS/INSP Reynaldo A. Paguirigan Jr. para sa kapakanan ng mga mamamayang nasa piitan. Kabilang sa mga tinututukan nito ang mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan at paglinang sa kani-kanilang mga kakayahan kagaya ng livelihood at skills training, free Pap Smear at dental mission program.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Maliksi na marami pang programa ang pagsasamahan ng Lungsod ng Imus at ng BJMP Region IV-A para sa kapakanan ng mga mamamayan na nasa ilalim ng pamamahala ng Imus BJMP.

“Naniniwala tayo na kaakibat ng maganda at epektibong programa ang matibay na samahan ng Pamahalaang Lungsod at ng ahensya. Dahil dito, patuloy ang ating pagsuporta at pakikiisa sa mga adhikain ng BJMP,” pahayag ni Mayor Maliksi.

Dagdag pa niya, “Lubos din ang ating pasasalamat sa bumubuo ng Regional Bureau of Jail Management and Penology IV-A para sa isa na namang natatanging pagkilala sa kontribusyon ng inyong lingkod at ng Pamahalaang Lungsod sa mga programa ng BJMP.”

Matatandaan na noong taong 2015 at 2016 nakatanggap din ang Punong Lungsod ng Special Award mula sa BJMP buhat sa epektibong pagsasagawa nito ng mga programa at paghahatid ng mga natatanging serbisyo sa mga mamamayang nasa loob ng piitan.

218total visits,5visits today

Add Comment