Pagkilala sa mga Natatanging Kabataang Imuseño

Pagkilala sa mga Natatanging Kabataang Imuseño

Noong ika-1 ng Agosto pinangunahan ng Youth Affairs Office ang opisyal na pagbubukas ng nominasyon para sa mga natatanging kabataan na kikilalanin sa Outstanding Kabataan (OK) Awards sa darating na Nobyembre.

Ang programang ito ay tumatanggap ng mga kalahok edad, 15 to 30 years old at bukas lamang sa mga mag-aaral at residente ng Lungsod ng Imus.

Kabilang sa mga parangal na igagawad ay ang Most Outstanding Youth Performing Group, Most Outstanding Youth Performer (Individual), Most Outstanding Youth Sports Athlete, Most Outstanding Community Youth Ambassador, Youth Services Icon Award, Most Awesome Youth of the Year, Supreme Youth Leader of the Year, Youth Environmental Group Award, Most Outstanding Youth Wiz Award, at ang Most Outstanding Youth Career Award.

Ang mga mananalong kabataang Imuseño ay makakatanggap ng certificate, cash at plaque.

Ang gaganaping OK Awards 2019 ay konsepto ng Youth Affairs Office at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus upang lalong makilala ang mga kabataan ng Imus na may natatanging kontribusyon sa mga kapwa kabataan at sa kaunlaran ng lungsod.

867total visits,3visits today

Add Comment