Pagkilala sa Husay at Epektibong Paglilingkod ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Pagkilala sa Husay at Epektibong Paglilingkod ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Kinilala ang Lungsod ng Imus bilang isa sa mga Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ika-5 ng Nobyembre sa Fiesta Pavilion, The Manila Hotel.

Ang Imus ay kabilang sa walong (8) lungsod sa buong rehiyon at tatlo (3) sa Lalawigan ng Cavite na ginawaran ng pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng nasabing ahensya sa mga local government unit (LGU).

Ilang pamantayan din ang idinagdag at binago ng DILG upang higit na mahasa ang bawat LGU sa larangan ng pamamahala. Kabilang na rito ang modipikasyon sa aspeto ng Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection at Peace and Order.

Ito ang pang-apat na taon ng Imus na makatanggap ng SGLG Award sa pamumuno ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi. Patunay lamang ito sa dedikasyon at husay ng pamahalaan sa pagsusulong ng makabuluhan at epektibong programa para sa kapakanan ng mga mamamayang Imuseño.

Bukod sa SGLG Award, patuloy ang lungsod sa pag-ani ng iba’t iba pang mga pagkilala mula sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong institusyon.

71total visits,1visits today

Add Comment