OPLAN SITA, SINIMULAN SA LUNGSOD NG IMUS

OPLAN SITA, SINIMULAN SA LUNGSOD NG IMUS

OPLAN SITA, SINIMULAN SA LUNGSOD NG IMUS

Checkpoint sa mga pangunahing lansangan sa lungsod kasama ang mga opisyales ng barangay at Imus PNP

LUNGSOD ng Imus – Mula sa pinagsanib na pwersa ng Imus PNP, Barangay Officials, Barangay Tanod Volunteers, Pamahalaang Lungsod ng Imus, Sangguniang Panlungsod at Non-Government Organizations, pinaigting ang seguridad sa Lungsod ng Imus sa pamamagitan ng OPLAN SITA o pagkakaroon ng mga checkpoint sa mga pangunahing lansangan at entry points ng lungsod.

Ang programang ito ay inumpisahan na sa Barangay Bucandala II, Medicion I-B, Open Canal (Malagasang II-C), Patio Tirona (Malagasang II-D), Bayan Luma VIII at IX, Pinagbuklod at Mariano Espeleta (Bahayang Pag-asa Subdivision) at Pasong Buaya II upang mapagtibay ang seguridad sa lungsod at maiwas ang mga mamamayan sa anumang kapahamakang dulot ng krimen.

Ilan sa mga nahuli sa isinagawang checkpoint ang mga may maiingay na tambutso ng motor na mahigpit an ipinagbabawal sa batas, mga walang lisensya, walang rehistro gayundin ang mga motoristang may pekeng lisensya.

Pagpupulong ng Peace and Order Council (POC)

Patuloy rin ang pagpupulong ng Peace and Order Council (POC) na pinamumunuan ni Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi at sa partisipasyon ng iba’t ibang ahensya at non-government organizations na nangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.

Nakapaloob sa isinagawang pagpupulong ng POC ang mga sumusunod na karagdagang programa para sa crime prevention sa Lungsod ng Imus:

 

  • Mahigpit na pagpapatupad ng Curfew Law sa bawat barangay
  • Close monitoring ng mga CCTV sa Command Operation Center
  • Pakikipagtulungan sa mga Civic Society Groups sa pagsasagawa ng mga ronda at pag-iikot sa lungsod

Kasunod nito ang pagpupulong ng bawat barangay sa kani-kanilang cluster para sa maayos na pagpapatupad at pagbaba ng mga nasabing programa sa kani-kanilang lugar.

Sa pahayag ni Mayor Maliksi, binigyang diin niya ang mahalagang kontribusyon at pakikiisa ng barangay sa mga hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaan.

Pagpupulong kasama ang mga miyembro ng POC at mga Punong Barangay sa Imus Multipurpose Hall

“Sa pagkakataon ding ito nais kong kilalanin ang kontribusyon ng ating mga kasamahan at mga namumuno sa barangay sa kanilang walang sawang pagsuporta at pakikiisa sa ating Imus PNP tungo sa isang ligtas at mapayapang lungsod,” aniya ng alkalde.

Ang greater police visibility ay higit na palalakasin ng mga opisyales ng barangay at iba pang samahan na kasama sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan upang masugpo ang kriminalidad, kabilang na ang riding in tandem incidents, sa Lungsod ng Imus.

15393total visits,4visits today

Add Comment