ONIbersaya: Ospital ng Imus, Nagdiwang ng Ika-1 Taong Anibersaryo

ONIbersaya: Ospital ng Imus, Nagdiwang ng Ika-1 Taong Anibersaryo

Puno ng iba’t ibang libreng serbisyo ang selebrasyon ng ika-isang taong anibersaryo ng Ospital ng Imus (ONI) na nagsimula noong ika-7 hanggang ika-12 ng Oktubre.

Bahagi ng mga serbisyong ibinahagi sa mga Imuseño ang libreng konsultasyon, bakuna at bone scanning. Nagbigay din ng lecture sa out-patient department na nakasentro sa nutrition, product demo, dengue, measles, leptospirosis, foot and mouth disease, surface cleaning and disinfection, at cleaning of surgical instrument.

Tunay na ONIbersaya ang selebrasyon sa mga discount na ibinahagi rin ng ONI para sa mga mamamayan sa ilang serbisyo nito.

Nagsagawa naman ng “Dugo mo, Buhay ko” Bloodletting Activity noong ika-9 ng Oktubre sa ONI Training room katuwang ang Las Piñas General Hospital at Satellite Trauma Center.

Nais ding isulong sa Lungsod ng Imus ang kahalagahan ng tama at palagiang paghuhugas ng mga kamay. Ayon sa tala, patuloy na tumataas ang mga kaso ng measles at mga virus sa bansa na resulta ng impeksyon sa respiratory system. Ang aktibidad na ito ay isang paalala upang maiwasan ang impeksyon at paglaganap ng mga sakit.

Noong Oktubre 12 nagdaos din ng isang thanksgiving mass sa ONI Chapel kasama ang mga kawani ng ONI.

Ang ONI ay bahagi ng Legacy Projects ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi sa binuksan sa publiko noong Oktubre 12, 2018. Sa isang taon na epektibong pagseserbisyo ng ONI, patuloy ang pagdami ng mga natutulungang mamamayan sa paghahatid nito ng abot kayang serbisyong medikal at libreng medical consultation.

 

 

232total visits,1visits today

Add Comment