OctOVERLOAD: Oktubreng overloaded sa Saya’t Serbisyo

OctOVERLOAD: Oktubreng overloaded sa Saya’t Serbisyo

Tuwing buwan ng Oktubre ipinagdiriwang ng Lungsod ng Imus ang OctOVERLOAD: Oktubreng Overloaded sa Saya’t Serbisyo o Service Month bilang pagdiriwang sa Kapistahan ni Nana Pilar at pasasalamat sa nag-uumapaw na pagmamahal at suporta ng mga mamamayan.

Tampok sa buwan na ito ang mga programa mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod upang makapaghatid ng epektibong serbisyo sa mga mamamayang Imuseño.

Kabilang sa mga programa ang mobile passporting, livelihood seminar, job fair, bloodletting activity, kasalang bayan at medical mission.

Kasabay ding ipinagdiriwang ang Senior Citizens Week kung saan nagkakaroon ng libreng masahe, gupit, manicure at pedicure, medical at wellness mission para sa mga nakatatandang Imuseño.

Patuloy naman ang pagbuhay ng agrikultura sa lungsod. Sa pangunguna ng Office of the City Agricultural Services Office, taunang ginugunita ang Farmer’s Week tampok ang pagkilala sa mga nagwagi sa Organikong gulayan sa Paaralan, Agricultural Trade Fair, Training on Organic Urban Gardening at paglunsad sa Organic Urban Farming na isa sa mga legacy project ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi.

Hindi rin nagpahuli ang mga kabataang miyembro ng kooperatiba na aktibong nakilahok sa Financial Literacy Festival noong ika-8 ng Oktubre. Kasunod dito ang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod sa natatanging kontribusyon ng mga laboratory cooperatives sa Imus sa ginanap na Coop Awards Night noong Oktubre 19.

Buhay na buhay din ang kulturang Caviteño sa Sayaw Bakte Inter-School Competition na ginanap noong oktubre 14 sa Imus Sports Complex.

Upang isulong ang magandang pangangatawan at maayos na kalusugan, patuloy ang pagsasagawa ng IMUSt Run na nasa ika-limang taon na.

Bukod sa mga programang ito, pinasinayanan din ang bagong Ospital ng Imus, at Grandstand at Track Oval sa Barangay Malagasang I-G kasabay ng Groundbreaking Ceremony ng itatayong City Government Center at City of Imus Coliseum.

Sa pagbubukas at pagsisimula ng konstruksyon nito, maraming Imuseño ang matutulungan na siyang pangunahing mithiin ng Pamahalaang Lungsod at higit na maisulong ang kalidad na serbisyo para sa lahat.

52total visits,1visits today