Mga Negosyo sa Imus, Bumida sa 3rd Imus City Business Expo

Mga Negosyo sa Imus, Bumida sa 3rd Imus City Business Expo

Lungsod ng Imus – Isinagawa ang ikatlong selebrasyon ng Imus City Business Expo noong ika-22 hanggang 24 ng Oktubre sa pangunguna ng Imus Economic Investment Promotion Unit (LEIPO) sa Robinsons Place Imus Activity Area katuwang ang iba’t ibang business establishments sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng OctOVERLOAD.

Overloaded ang mga freebies, discounts at exclusive offers mula sa 24 na exhibitors kabilang na ang Vicente Isabel Multispecialty Clinic and Diagnostic Center Inc., TOPMED Medical Equipment &Supplies, Toclong 1st Multi- Purpose Cooperative, The Beauty Box by Jeniefer Ivy, Tatin Professional Detailing Services, Rantech Systems CCTV, Petmate Animal Clinic, Papercam Enterprises, ORCA Applied Engineering Solutions Corp, Novemeber Ads, Inc., Maria’s Food Service, Lola Maria’s Imus Garlic Longganisa, Kinder Haven Learning Center, Istudyo Juan Productions and Events Management Services, IFM Facilities Management, Healthy Basket, GoHarvest, Emilia’s Baking Supplies, EK Champions, Doctor Rescue Plumbing Services, D. Reyes Solar Equipment & Installation Services, CJG Digital Marketing, Amaranth Business Consultancy Services, at Big Ben’s Kitchen.

Layunin ng programa ang malawakang promosyon ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Imus at higit na mapagtibay ang magandang ugnayan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at pribadong sektor.

Bukod dito, ilang programa rin ang patuloy na isinasagawa ng LEIPO kabilang na ang mga seminars na libreng ibinabahagi sa mga negosyante upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo, at paghahatid ng maayos na serbisyo sa bawat mamamayang Imuseño.

 

16total visits,2visits today

Add Comment