Mga Natatanging Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Imus Binigyang Pagkilala

Mga Natatanging Empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Imus Binigyang Pagkilala

Niña Pauline L. Tapawan

IMUS Multipurpose Hall – Pinangunahan ng Human Resource and Management Unit (HRMU) katuwang ang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee ang isinagawang 2016 Employees’ Service Award Ceremony noong Disyembre 15, 2016 bilang pagkilala sa mga empleyado na nagsilbi ng 10, 15, 20 at 25 na taon sa Pamahalaang Lungsod ng Imus.

Pagbibigay ng mensahe ni Mayor Maliksi

Ang Service Loyalty Award ay iginawad sa 44 na empleyado ng Pamahalaang Lokal na nagmula sa iba’t ibang tanggapan. Ito ay dumaan sa ilalim ng PRAISE Committee na pinangungunahan ng kanilang Chairperson Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi at Vice Chairperson Hon. Raymond S. Arguelles (Chairperson, Committee on Personnel Affairs). Kasama din dito ang iba pang kasapi ng komite na kinabibilangan ni City Administrator Atty. Doris J. Ensomo, HRMU Head Ms. Nahney G. Alce, City Budget Officer Ms. Ma. Theresa R. Dominguez, City Accountant Ms. Roselie A. Pangilinan, Mr. Manuel Reynold W. Dela Fuente, CPDO Head Engr. Rodel B. Pelaez, 2nd Level Employee Representative Ms. Luz M. Alindog at 1st Level Employee Representative Ms. Prescilda D. Igtiben.

Ang programa ay opisyal na sinimulan ni Ms. Nahney G. Alce para sa isang Words of Welcome na sinundan ni Atty. Doris J. Ensomo para sa kanyang Opening Remarks.

Nagbigay din ng kanyang mensahe si Kon. Raymond Arguelles na hinikayat ang pagtutulungan at pakikiisa ng mga empleyado para sa iisang mithiin ng Pamahalaang Lungsod sa maayos na pagbibigay-serbisyo sa mga nasasakupan nito.

Kasunod na nagbigay ng kanyang mensahe si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi para sa mga empleyado. Sa kanyang pahayag, kinilala niya ang malaking kontribusyon ng mga empleyado sa mga pagkilala na naiuwi ng lungsod mula sa iba’t ibang ahensya.

Ang bawat pinarangalan ay tumanggap ng cash incentive at Plaque of Recognition mula sa Pamahalaang Lungsod. Ito ay naglalayong hikayatin ang mga empleyado na lalong pagbutihin  ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

365total visits,1visits today

Add Comment