Mga Bagong Pasilidad sa INHS-Main, Pinasinayaan!

Mga Bagong Pasilidad sa INHS-Main, Pinasinayaan!

Pagpapasinaya ng mga bagong pasilidad sa Imus National High School-Main sa pangunguna ni (mula sa kaliwa) City Vice Mayor Arnel M. Cantimbuhan, Kon. Eunice Ferriol-Quizol, City Mayor Emmanuel L. Maliksi at G. Arturo P. Rosaroso Jr., Punong Guro ng Imus National High School-Main

Pagbibigay ng mensahe ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi sa mga guro at mag-aaral ng INHS-Main

LUNGSOD ng Imus – Pinangunahan ni Igg. Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi, Igg. Ikalawang Punong Lungsod Arnel M. Cantimbuhan at Igg. Konsehala Eunice Ferriol-Quizol ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng mga bagong pasilidad sa Imus National High School-Main noong Oktubre 5, 2017.

Kabilang sa mga bagong pasilidad na iginawad ng Pamahalaang Lungsod ang INHS-Main Gate 2, Security Office, Lateraza Gate, Maintenance Quarter, ICT Techno Hub, Covered Court, VIP Room, Canteen 2 at Canteen 3.

Ang mga bagong pasilidad na binuksan ay makakatulong sa pagpapaigting ng seguridad sa paaralan at paghahasa ng mga kakayahang teknikal at pisikal ng mga mag-aaral.

Nag-uumapaw rin ang pasasalamat ng mga guro at mag-aaral sa pangunguna ng kanilang Punong-guro, G. Arturo P. Rosaroso, Jr. sa magandang programang hatid ng pamahalaan para sa INHS-Main.

Sa mga nagdaang taon, tunay na malaki na ang ipinagbago ng paaralan. Bukod sa kaledad na edukasyon at maayos na pasilidad, malaki rin ang ambag nito sa paghubog sa mga future professionals ng lungsod.

Bilang isa sa mga tinututukan ng pamahalaan, naniniwala si Mayor Maliksi na ang edukasyon ang nagsisilbing pundasyon upang makamit ng bawat isang Imuseño ang kanilang

Paggawad ng pagkilala ng Imus National High School kay City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Arnel M. Cantimbuhan at Coun. Eunice Ferriol-Quizol

minimithing kinabukasan. Dahil dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa iba’t ibang paaralan upang matugunan ang edukasyunal na pangangailangan ng bawat mag-aaral at kabataang Imuseño.

Bukod sa mga ipinagmamalaking pasilidad na itinatayo sa bawat pampublikong paaralan, patuloy rin ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa bawat Imuseño na nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa tulong ng mga programang ito, ang edukasyon ay magiging abot kamay na ng bawat mamamayan na maghahatid ng tiyak na progresibong pagbabago sa lungsod at sa buhay ng bawat Imuseño.

23total visits,1visits today

Add Comment