Mga Alituntunin sa Ilalim ng General Community Quarantine

Mga Alituntunin sa Ilalim ng General Community Quarantine

Malaking bahagi ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagbaba ng bilang ng mga kompirmadong kaso ng Covid-19, kung kaya’t kinakailangan ng maayos na implementasyon ng mga alituntunin upang malimitahan ang galaw ng mga tao.

Kasunod ng muling pagbubukas ng ekonomiya sa Lalawigan ng Cavite sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) nitong Mayo 15, ang pagdami ng mga business establishment na maaaring magsimula ng kanilang operasyon at mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) o mamamayan na maaaring lumabas ng kanilang tahanan upang magtrabaho.

Upang magkaroon ng sistematikong pamamaraan ng paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan, patuloy pa rin ang paggamit ng Home Quarantine (HQ) Pass ng isang miyembro sa bawat kabahayan upang mamili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Para sa mga empleyado at kabilang sa APOR, tanging employee I.D. lamang ang kinakailangan, ngunit ito ay hindi maaaring gamitin sa pamimili o pagpunta sa mga bukas na business establishment.

Sa ilalim ng GCQ, hindi na rin kinakailangan pang kumuha ng travel pass kung magpupunta sa ibang bayan sa loob ng Cavite.

Patuloy din ang pagpapatupad ng Cluster Schedule at Lockdown Days sa bawat barangay at ang mahigpit na implementasyon ng curfew hours na nagsisimula sa ika-8 ng gabi hanggang ika-5 ng umaga para sa mga business establishment at mga mamamayan na bibili ng kanilang mga pangangailangan.

Hindi naman dito kabilang ang emergency cases o mga nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Ang Imus Public Market ay bukas mula Lunes hanggang Sabado at nananatiling sarado tuwing Linggo para sa disinfection sa buong pamilihan.

Para sa mga business establishment, ilang panuntunan ang ipinatupad alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Covid-19.

Food Establishment

Patuloy ang operasyon ng mga food establishment para sa delivery at take-out services nito. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang dine-in. Ang minimum health protocol ay ipinapatupad din para sa kaligtasan ng mga mamimili.

Commercial Establishment

Kabilang sa mga hindi pinapayagang magbukas sa ilalim ng GCQ ang mga sumusunod na commercial establishment:

  • Gyms, Fitness Studios, and Sports Facilities
  • Entertainment Industries (i.e. Karaoke/Videoke Bars, etc.)
  • Kid Amusement Industries (i.e. Playrooms, Rides)
  • Libraries, Archives, Museums, and Cultural Centers
  • Event Place
  • Tourist Destinations (i.e. Parks, Resorts, etc.)
  • Travel Agencies, Tour Operators, Reservation Service, and Related Activities
  • Personal Care Services (i.e Barbershops, Salons, Massage Parlors, Facial Care, Waxing, atbp.)

Para sa mga mall at ibang pamilihan, mahigpit na ipinapatupad ang paggamit ng thermal scanner sa bawat papasok, paglalagay ng alcohol o sanitizer sa mga entrance point at pagsiguro na ang bawat papasok at lalabas sa business establishment ay nakasuot ng face mask.

19total visits,2visits today

Add Comment