Maliksing Kasalan para sa Buwan ng Pag-ibig, Isinagawa

Maliksing Kasalan para sa Buwan ng Pag-ibig, Isinagawa

Naging saksi sa panunumpa ng nasa 100 magkasintahan ng Maliksing Kasalan 2020 ang Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-27 ng Pebrero sa Imus Sports Complex.

Higit na naging espesyal ang Buwan ng Pag-ibig dahil sa sumpaan ng mga kinasal na Imuseño. Naging sentro naman ng pagdiriwang ang mensahe ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi patungkol sa importansya at kahulugan ng pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.

Ang programang ito ang magsisilbing bagong panimula ng mga magkasintahan para sa mas matatag at matagalang pagsasama.

Masayang naging saksi rin ang Pamahalaang Lungsod sa pinakamatandang magkapareha na nag-isang dibdib sa tulong ng nasabing programa. Ito sina Noel Perlas, 75 taong gulang at Lucena Sodela, 66 taong gulang na nagmula sa Barangay Palico.

Bago pa man magsimula ang araw ng seremonya, ang bawat magkasintahan ay sumailalim sa pre-marriage seminar. Ito ay nagsisilbing gabay para sa isang maayos at masayang pagsasama.

Ang paggabay sa bawat pamilya at mga magsisimula pa lamang ito ay isa sa mga binibigyang importansya rin ng Pamahalaang Lungsod. Naniniwala ito na malaking bahagi ang pamilya sa paghubog sa isang komunidad at sa buhay ng bawat kabataan.

Ang programa ay taunang isinasagawa tuwing buwan ng Pebrero at sa pagdiriwang ng Imus ng Service Month nito tuwing buwan ng Oktubre.

Kabilang sa mga libreng ibinabahagi ng Pamahalaang Lungsod ang pagproseso sa cenomar, marriage license at marriage certificate, affidavit of cohabitation, notarial fee, photo souvenir at wedding cake.

Bukod dito, nagbigay din ang Pamahalaang Lungsod ng ilang mga kagamitan para sa pagsisimula ng mga ikinasal.

28022total visits,186visits today

Add Comment