Malawakang Anti-Rabies Vaccination para sa taong 2018, Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Malawakang Anti-Rabies Vaccination para sa taong 2018, Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Pagsisimula ng Anti-Rabies Vaccination sa mga barangay noong Pebrero 6, 2018 sa pangunguna ng City Veterinary Services Office.

Pagbibigay ng anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop

Sa pangunguna ng City Veterinary Services Office, sinimulan ang malawakang free anti-rabies vaccination at pet registration para sa taong 2018 sa iba’t ibang barangay sa lungsod na sinimulan noong ika-6 ng Pebrero.

Ito ang simula para sa malawakang kampanya ng lungsod laban sa rabies ngayong taon.

Sa pagsisimula ng programa, mayroong 3,590 ang nabigyan ng anti-rabies vaccination sa humigit kumulang 20 na barangay sa lungsod. Napapaloob dito ang 3,229 na aso at 361 na pusa. May 2,502 rin na pet owners ang nakiisa sa nasabing programa.

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayang Imuseño at mapangalagaan ang mga alagang hayop sa lungsod. Isa rin sa mga isinusulong ng pamahalaan ang pagiging animal-friendly city nito sa tulong ng mga programa at adbokasiya para sa pangangalaga ng mga alagaang hayop.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng Dog Adoption Day, isang natatanging programa ng City Veterinary Services Office kung saan

Pagsasagawa ng pet registration sa bawat barangay.

binibigyan ng pagkakataon ang mga nahuling aso sa lansangan na magkaroon ng panibagong pamilya at tirahan.

Ang pagbibigay ng anti-rabies vaccination ay buwanang isasagawa ng tanggapan. Inaasahan na malalagpasan din nito ang bilang ng mga nabigyan ng vaccination noong isang taon sa tulong ng iba’t ibang ahensya at mga barangay sa Lungsod ng Imus.

 

 

208total visits,1visits today