Lungsod ng Imus tungo sa Maunlad at Matatag na Ugnayang Kooperatiba

Lungsod ng Imus tungo sa Maunlad at Matatag na Ugnayang Kooperatiba

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa tulong ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial, and Enterprise Development Office (CICLEDO) at City of Imus Local Council for the Protection of Children (LCPC) ang ikalawang taon ng Eskwela Kooperatiba (EK) National Conference sa temang “Children and Youth: The New Face and Next Phase of the Philippine Cooperative Movement” noong Nobyembre 14-16, 2019 sa Tagaytay International Convention Center (TICC).

Kaisa rin sa programa ang Cooperative Development Authority (CDA) at Imus Cooperative Federation (ICF) na dinaluhan ng mahigit 700 na miyembro ng kooperatiba sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa isinagawang talakayan ang mahalagang kontribusyon ng mga kabataan sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng kooperatibismo sa bansa.

Malaki ang maitutulong ng programa upang higit na maisulong ang kooperatibismo sa Pilipinas at maipakita ang kahalagahan ng pag-iimpok sa bawat mamamayan.

Sa mensahe ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi, kanyang ibinahagi ang pagsisimula ng Eskwela Kooperatiba (EK) program na ngayon ay kinikilala na hindi lamang sa buong bansa, kung hindi maging sa Southeast Asia.

Naging daan din ang programa upang maibahagi ng ilang institusyon ang kanilang best practices na maaaring isagawa ng mga delegado sa kani-kanilang lugar at kooperatibang kinabibilangan.

Nais ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Maliksi na maipalaganap ang konsepto ng kooperatiba upang ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat miyembro ay maghatid ng epektibong halimbawa sa mga mamamayang kabataan bilang mga susunod na henerasyon at pag-asa ng bayan.

67total visits,2visits today

Add Comment