Lungsod ng Imus, Seal of Child-Friendly Local Governance Awardee para sa tatlong magkakasunod na taon

Lungsod ng Imus, Seal of Child-Friendly Local Governance Awardee para sa tatlong magkakasunod na taon

Paggawad ng Seal of Child-Friendly Local Governance Award ng Council for the Welfare of Children sa Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi kasama ang Department of the Interior and Local Government – Imus, Local Council for the Protection of Children (LCPC), City Social Welfare and Development Office, City Schools Division Office, City Planning and Development Office

Paglalahad ni Mayor Maliksi ng kanyang Local State of the Children’s Report noong Nobyembre 18, 2016

Muling ginawaran ng Council for the Welfare of Children ang Lungsod ng Imus ng Seal of Child-Friendly Local Governance para sa taong 2016 noong ika-1 ng Agosto 2017 sa

Cultural Center of Laguna bilang pagkilala nito sa mga inisyatibo at makabuluhang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga batang Imuseño.

Matatandaan na sa kanyang Local State of the Children’s Report kasabay ng pagdiriwang ng Children’s Month ng Lungsod noong ika-18 ng Nobyembre, 2016 ay ibinahagi ni Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang iba’t ibang mga proyekto ng pamahalaan na nangangalaga sa apat na pangunahing karapatan ng mga kabataan:

  • Karapatang Mabuhay o Survival Right, sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga buntis at sanggol, aktibong paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad kasama na ang pagbabakuna, pamimigay ng libreng bitamina at pang-purga, supplemental feeding program, dental mission, atbp;
  • Karapatang Maipagtanggol o Protection Right, sa pamamagitan ng malawakang pagpapatupad ng Anti-Bullying Act sa mga paaralan, iba’t ibang programang pangkapayapaan at kaligtasan, patuloy na pagsugpo sa krimen at masasamang elemento, at mas pinaigting na kampanya para sa Advocacy on Women and Child Rights sa mga barangay;
  • Karapatang Makilahok o Participation Right, sa pamamagitan ng mga pagsasanay upang pagyamanin ang kaalaman at talento ng mga bata, pagsuporta sa mga larongpamapalakasan, Kwentuhan sa Plaza, integration and empowerment ng mga batang may kapansanan, at iba’t ibang kompetisyon para mahasa ang kanilang mga kakayahan; at
  • Karapatang Umunlad o Development Right, sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon partikular na ang karagdagang suporta para sa Alternative Learning System (ALS), Special Education (SPED), Children with Special Needs (CNS), scholarship program, E-Learning Program (Project EMMANUEL) at tulong matrikula sa mga mag-aaral, atbp.

Mayor Maliksi at ang parangal na naiuwi ng Lungsod ng Imus

Dahil sa pagkakaisang ito, ikatlong taon na ng Imus na mapabilang sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa na ginawaran ng Seal of Child-Friendly Local Governance.  Matapos makamit ang pagkilala sa regional level ay patuloy na sisikapin ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Maliksi, na maabot ang Presidential Award.  Sa huli, siguradong mananatili ang tapat na malasakit at paglilingkod  para sa mga kabataang Imuseño na siyang sumasalamin sa liksi at lakas ng mas maunlad na Lungsod ng Imus.

158total visits,1visits today

Add Comment