Lungsod ng Imus para sa Maunlad na Organikong Agrikultura

Lungsod ng Imus para sa Maunlad na Organikong Agrikultura

Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi kasama ang mga bumubuo sa Pamahalaang Lungsod, mga panauhin at mga magsasakang Imuseño na nakikiisa sa organikong pagtatanim

Lungsod ng Imus – Inilunsad noong ika-5 ng Oktubre ang Organic Urban Farm sa Barangay Malagasang II-F bilang bahagi ng legacy projects ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi.

Ceremonial Tree Planting

Ang organikong pagtatanim ay isang paraan ng pagtatanim kung saan gumagamit ng mga natural o likas na pataba upang maiwasan ang mga kemikal na maaaring makaapekto sa kalusugan at makasira sa kalikasan.

Patuloy man ang industriyalisasyon sa lungsod, nananatili pa ring malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng agrikultura. Kabilang sa programang ito ang urban gardening tulad ng hydrophonics at aquaphonics na siyang nagsisilbing alternatibong paraan ng pagtatanim na hindi nangangailangan ng malawak na sakahang lupa.

Ang proyektong ito ay nahahati sa tatlong bahagi:

Phase 1: Demo Farms – Kaugnay ng eight-point agenda para sa Agrikultura ay ang pagtatayo ng mga demo farms kung saan maituturo sa mga magsasaka at iba pang stakeholders tulad ng mga guro, estudyate at homeowners ang wastong paraan ng organikong pagsasaka at pagtatanim.

Phase 3: Post-Harvest – Sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST), magtatayo ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng isang Food Processing Unit para sa mga organikong gulay at prutas.  Ang DOST ang mangunguna sa pagsasanay sa paggamit ng iba’t ibang kasangkapan at paraan sa pagpoproseso ng pagkain.  Magbibigay naman ang DTI ng tulong upang makagawa ng maayos at matatag na “brand” at added value para sa mga organikong produkto.  Nilalayon ng post-harvest facility na magkaroon ang lungsod ng sariling de-kalidad na produkto na tunay na maipagmamalaki.Phase 2: Citywide – Sa ikalawang bahagi ng proyekto ay sisimulan ang implementasyon ng organic farming sa mga idle land na may sukat na 400 metro kwadrado (400 square meters) o higit pa.  Nakakatulong din ang programa sa pagbibigay ng hanap-buhay sa surrenderers, benepisyaryo ng 4Ps at out-of-school youths.

Pagbibigay ng mensahe ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi.

Bahagi rin ng proyektong ito ang organic market kung saan maaaring ibenta ng mga organic farmers sa lungsod ang kanilang mga sariwang ani.  Sa tulong nito mabibigyan ng dagdag kabuhayan ang mga mamamayang Imuseño at maaaring makabili ang mga mamamayan ng organic food sa mas abot-kayang halaga.

Ang paglulunsad ng programang ito ay pinangunahan ni Mayor Maliksi kasama ang City Agricultural Services Office na siyang namamahala sa mga programang agrikultural ng lungsod.

Ang programang ito ay bahagi ng mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa pagiging “Organic Food Capital of Cavite” ng Lungsod ng Imus.

29total visits,1visits today