Lungsod ng Imus Kinilala bilang 2nd Place Gawad Kalasag 2016

Lungsod ng Imus Kinilala bilang 2nd Place Gawad Kalasag 2016

Niña Pauline L. Tapawan

LUNGSOD ng Tagaytay – Muling ginawaran ng Gawad Kalasag para sa ikalawang taon ang Lungsod ng Imus sa katatapos lamang na 2016 Gawad Kalasag Awarding Ceremony.

Ang programa ay pinangunahan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) IV-A at Office of the Civil Defense  IV-A kasama ang panauhing pandangal, Undersecretary Ricardo B. Jalad, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Civil Defense Administrator na naging katuwang sa pagkakaloob ng marangal na Gawad Kalasag ngayong taon.

Patuloy ang Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pagbibigay ng serbisyo-publiko sa mga mamamayan sa lungsod lalong higit ang mga apektado ng sakuna at kalamidad.

Sila ang nangunguna sa pagbibigay ng agarang tulong upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga biktima. Kaagapay nila dito ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Lungsod at ibang non-government organizations sa lungsod.

Bukod dito, matatandaan na pinangunahan ng Imus CDRRMO ang pamimigay ng mga Early Warning Device sa bawat barangay upang matulungan ang bawat nasasakupan nito sa paghahanda sa anumang matinding sakuna na tatama sa lugar.

Kaagapay din ang butihing Alkalde, Hon. Emmanuel L. Maliksi, ang Pamahalaang Lungsod ay umangkat ng iba’t ibang kagamitan upang mabigyan ng kaukulang pansin ang monitoring sa mga papasok na bagyo at sakuna sa lungsod. Ito ay tumutulong sa mga Imuseño upang makapaghanda at lumikas kung kinakailangan.

Masayang tinanggap naman ng alkalde ang parangal na dalawang taon ng iginagawad sa lungsod dahil sa mahusay nitong pag-aksyon.

Kasama niyang umakyat sa entablado ang butihing Bise Alkalde, Hon. Arnel “Ony” Cantimbuhan, Kon. Totie Ropeta at mga miyembro ng Imus CDRRMO sa pamumuno ni Engr. Severo Salve.

Kasama nito sa mga binigyang parangal ang Tagaytay CDRRMC na tinanghal na 1st Place at Antipolo CDRRMC bilang 3rd Place.

Pagkilala sa Barangay Anabu 2-B bilang 1st Place sa Barangay DRRM Committee Category ng Gawad Kalasag

Hindi rin nagpahuli ang Lungsod ng Imus sa Barangay DRRM Committee Category na nasungkit din ng Barangay Anabu 2-B bilang 1st Place sa pamumuno ni Kap. AJ Sapitan. Kasama niyang tumanggap sa parangal ang bumubuo sa Sangguniang Barangay at ang Pamahalaang Lungsod.

Kabilang din sa mga kinilala para sa Gawad Kalasag Hall of Fame ang Mabitac MDRRMC SA Laguna at Tanay Mountaineers, Inc. sa Rizal.

Inaasahan na sa pagpapatuloy ng mga programa ng Imus CDRRMO at ng Pamahalaang Lokal ay kikilalanin muli ang lungsod sa patimpalak at manguna sa iba pang karatig nitong bayan.

342total visits,1visits today

Add Comment