Lungsod ng Imus, Kaisa sa Pagdiriwang ng Earth Day

Lungsod ng Imus, Kaisa sa Pagdiriwang ng Earth Day

Mga nanalong barangay sa isinagawang Earth Day Celebration Photo Contest

Noong ika-23 ng Abril sinimulan ang selebrasyon ng Earth Day ng Lungsod ng Imus sa temang “Green the Cities, Green the Ocean, End Plastic Pollution” sa City of Imus Ecology Center, Barangay Buhay na Tubig.

Pagbibigay ng mensahe ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi sa pagdiriwang ng Earth Day noong Abril 23.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kasama sina City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Coun. Argel Reyes bilang Chairperson ng Committee on Environment Protection and Ecology at Ms. Judaline A. Fabro, Supervising Ecosystem Management Specialist at tumatayong Focal Person ng MBCO at SMD Cavite.

Kabilang sa programa ang pagkilala sa limang (5) Best Barangay in Plastic Residual Collection, 18 Best Barangay Eco-aides at 9 Best Barangay Solid Waste Management Implementers.

Kabilang sa mga barangay na kinilala para sa plastic residual collection ang Barangay Bayan Luma 1 (326 kg), Anabu 2-E (405 kg), Malagasang 1-D (418 kg), Medicion 2-D (518 kg) at Malagasang 1-E (568 kg).

Hindi rin nagpahuli ang mga barangay ng Alapan 1-B, Medicion 1-B, Anabu 1-F, Anabu 2-E, Bayan Luma 5, Espeleta 1, Tanzang Luma 4, Poblacion 2-A at Malagasang 1-B para sa kanilang solid waste management.

Sa programa, hkinilala din ang 18 Best Barangay Eco-aides para sa kanilang mabilis na pagtugon sa kanilang tungkulin at sa pagpapanatili ng kalinisan sa barangay.

Bukod dito,nagsagawa rin ang CENRO ng photo contest sa temang “Luntiang Barangay at Gawaing Pangkalikasan Picturan nang Maitala sa Kasaysayan” na naglalayong ipakita ang mag programang pangkalinisan at pangkalikasan ng bawat barangay sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang mag litrato.

Ribbon cutting ng Material Recovery Facility ng Jade Residences sa Baarngay Malagasang 2-E kasama si Vice Mayor Ony Cantimbuhan

Sa patimpalak na ito kinilala ang Malagasang 2-E bilang first place, Medicion 2-D bilang second place at Poblacion IV-A bilang third place.

Kasama sa mga batayan sa pagpili ang kaugnayan sa tema na may 50% na puntos at kalidad ng larawan na mayroon ding 50%.

Ang nagwagi sa unang gantimpala ay nag-uwi ng Php 15,000, ikalawang gantimpala ay Php 10,000 at ang ikatlo ay nakatanggap ng Php 5,000.

Ang nasabing paliksahan ay sinalihan ng 15 na barangay sa lungsod na isinama sa isinagawang exhibit ng tanggapan.

Noong Abril 24, pinasinayaan din ang Material Recovery Facility (MRF) ng Jade Residences sa Barangay Malagasang 1-G kasama si Mr. Ruperto Arca bilang guest speaker mula sa Solid Waste Management Division ng Provincial Environment and Natural Resources Office.

Ang programang ito ay ilan lamang sa mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod upang masiguro ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

 

 

28total visits,1visits today

Add Comment