Lungsod ng Imus, Hinirang bilang Most Competitive City sa buong Lalawigan ng Cavite

PICC, Pasay City – Sa 112 na component cities sa bansa, kinilala ang Lungsod ng Imus bilang 3rd Most Economically Dynamic City sa katatapos lamang na 6th Regional Competitiveness Summit na isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) noong ika-16 ng Agosto 2018, kasabay nito ang pagkakakilanlan bilang Most Competitive City sa buong Lalawigan ng Cavite at pampito sa buong Pilipinas sa 2018 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Masayang tinanggap ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi ang parangal kasama si City Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan, Sangguniang Panlungsod members at mga piling department head ng Pamahalaang Lungsod.

Ilan sa mga programa na isinasagawa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng lungsod ang Business One-Stop Shop (B.O.S.S.) kasabay ang pagsuporta at pagpapatibay ng pagpapatupad nito sa Ease of Doing Business Act kung saan mas napapadali ang pagpoproseso ng application at renewal ng Business Permit para sa mga namumuhunan sa Imus.

Patuloy din ang operasyon ng Imus Go Negosyo Center na nagsisilbing daan sa magandang ugnayan at mabilis na transaksyon sa pagitan ng mga negosyante at ng DTI. Sa tulong naman ng Imus Economic Investment Promotion Unit (IEIPU) o LEIPO, nahihikayat at naisasaayos ang mga pangangailangan ng mga medium, small and micro entrepreneurs (MSMEs) sa lungsod.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyang parangal ang lungsod sa ganitong patimpalak. Nasasalamin sa tagumpay ng lungsod ang magandang resulta ng epektibong paglilingkod ng administrasyong Maliksi sa mga mamamayang Imuseño at sa maayos na pamamalakad sa lungsod.

Isa sa mga susi ng patuloy na pag-ani ng tagumpay ng lungsod ang pagkakaisa ng mga namumuno na nagbunga sa pagsasagawa ng mga kapakipakinabang na mga programa kaakibat ang kosultasyon sa mga department at unit heads kasama ang iba pang ahensya at institusyon para sa higit na ikagaganda at ikauunald ng lungsod at ng buhay ng bawat Imuseño.

29total visits,1visits today