Lungsod ng Imus: Gawad Kalasag 3rd Placer

Lungsod ng Imus: Gawad Kalasag 3rd Placer

Pagtanggap ng pagkilala ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi kasama si Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan, Imus Schools Division Superintendent Dr. Edith Atendido at INHS-Main Principal Mr. Arturo Rosaroso.

Kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang 3rd Place at Imus National High School-Main bilang 2nd place (Secondary School Category) sa ika-20 taong Gawad Kalasag noong ika-30 ng Agosto sa Lungsod ng Tagaytay.

Sa tulong ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), patuloy ang paghahatid ng epektibong serbisyo sa bawat mamamayang Imuseño lalong higit sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Ilan sa mga programa ng Imus CDRRMO ang pamamahagi ng first aid kits at disaster equipment sa bawat barangay. Taunang ginugunita rin ang National Disaster Resilience Month tampok ang iba’t ibang programa para sa kahandaan ng publiko.

Patuloy din ang 24/7 monitoring sa Command Operation Center ng lungsod. Sa tulong nito natututukan at nabibigyan ng agarang aksyon ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ay apat (4) na magkakasunod na taon nang kinikilala ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) IV-A at Office of the Civil Defense IV-A na siyang namamahala sa taunang Gawad Kalasag.

Malaking karangalan din ang inuwi ng Imus National High School-Main sa pamumuno ni G. Arturo Rosaroso na siyang tinanghal bilang 2nd Place Gawad Kalasag Awardee para sa Secondary School Category.

Ang pagkilalang ito ang nagsisilbing patunay sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod upang higit na paigtingin ang kahandaan ng mga Imuseño sa anumang kalamidad at sakuna.

33total visits,1visits today