Lungsod ng Imus: ECA Silver Awardee

Lungsod ng Imus: ECA Silver Awardee

Niña Pauline L. Tapawan

HOTEL H2O, Manila Ocean Park Complex – Itinanghal ang Lungsod ng Imus sa katatapos lamang na ECA Conferment noong Disyembre 14, 2016 bilang Silver Awardee on Environmental Compliance Audit (ECA).

Kasamang tumanggap ng pagkilala si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Arnel “Ony” Cantimbuhan, Imus CLGOO Mr. Ronald A. Mojiica at mga kasamahan mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pangunguna ng kanilang OIC, Mr. Antonio Bernan T. Dela Cruz at kawani nito Ms. Doris Sagenes.

Ang ECA Award ay iginagawad sa mga bayan na epektibong nagsasagawa ng mga programang pangkapaligiran at mahigpit na ipinapatupad ang mga batas sa pagsasaayos at pagpapangalaga ng kapaligiran at ng Manila Bay.

Ang ECA Conferment ay taunang isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang pagtuunan ng pansin ang mga isyung pangkapaligiran at mahikayat pa ang ibang bayan na makiisa sa programang pangkalinisan.

Ayon kay Mayor Maliksi, patuloy na magsisikap ang Pamahalaang Lungsod upang makapagbigay ng natatangi at epektibong paglilingkod sa mga mamamayan upang makapag-uwi pa ng karagdagang pagkilala sa iba’t ibang larangan.

Mula sa kaliwa: Ms. Doris Sagenes, Imus CLGOO Mr. Ronald Mojica, Vice Mayor Ony Cantimbuhan, City Mayor Emmanuel L. Maliksi at CENRO-OIC Mr. Antonio Bernan T. Dela Cruz

“Masaya tayo dahil muling umani ng pagkilala ang Lungsod ng Imus sa larangan ng kapaligiran. Ito ay patunay lamang sa pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod na maglingkod para sa ikauunlad ng Imus at asahan niyo na patuloy tayong mag-uuwi ng iba’t ibang pagkilala hindi lamang sa larangang ito kung hindi pati na rin sa ibang aspeto”, pahayag ng alkalde.

Matatandaan na ito ang pangalawang taon ng Imus na maging bahagi ng pagkilala para sa Environmental Compliance Audit ng DILG.

Sa susunod na taon, inaasahan din na ang Pamahalaang Lungsod ay muling mangingibabaw sa iba pa nitong karatig na bayan sa pag-ani ng karagdagang pagkilala.

312total visits,2visits today

Add Comment