Lungsod ng Imus: ECA Platinum at Top Performer Awardee sa Taong 2018

Lungsod ng Imus: ECA Platinum at Top Performer Awardee sa Taong 2018

Ika-3 ng Disyembre 2018 – Malugod na tinanggap ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang Platinum Award at Top Performer Award na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region IV-A sa Pamahalaang Lungsod ng Imus sa isang seremonyang ginanap sa Chateau Royale, Nasugbu, Batangas. Kasabay ito ng pagdiriwang ng Manila Bayanihan para sa Kalinisan kung saan tinitipon ang mga LGUs na natutulungan para sa paglinis at muling pagbuhay sa Manila Bay.

Matatandaang mula nang 2015 ay taun-taong tumatanggap ng pagkilala ang Imus sa Environmental Compliance Audit (ECA) na nakabase sa tamang pagtalima ng lungsod sa mga probisyon ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.  Kung noong mga nakaraang taon ay Silver at Gold Award ang nakukuha ng Imus, ngayong taon ay umakyat na ito sa Plantinum Award, pinakamataas para sa nasabing kategorya.

Ang kalinisan at pangangalaga ng kapaligiran ay nakapaloob sa eight-point agenda ni Mayor Maliksi kaya naman kabilang ito sa mga aspeto ng pag-unlad na pirming tinututukan ng Pamahalaang Lungsod, lalo na ng tanggapan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).  Ang Imus River ay isa rin sa mga pangunahing waterways na tumutuloy sa Manila Bay at malaki ang naiaambag ng mga programang pangkalinisan, katulad ng regular coastal cleanup, para sa rehabilitasyon nito.

Sama-samang dumalo sa awarding ceremony sina City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan, Coun. Argel Reyes, Imus CLGOO Mr. Ronald Mojica, A, OIC-City Administrator Ms. Nahney Alce, CENRO Head Mr. Antonio Bernan Dela Cruz, City Building Officer Engr. Rodel Pelaez at City Information Officer Mr. Jay Saquilayan. Bukod sa dalawang plake at isang magandang tropeyo ay tumanggap din ang Pamahalaang Lungsod ng tseke na nagkakahalaga ng Php 120,000.

Ang karangalang inani ng Imus ngayon taon ay magsisilbi ring inspirasyon para sa pagpapatuloy ng mga makabuluhang kampanya at proyekto para sa kalikasan hanggang sa susunod pang mga taon, hanggang sa muling pagbalik ng buhay at ganda ng Manila Bay.

55total visits,1visits today