Lingap Imuseño, Handog na Tulong Pinansyal ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Lingap Imuseño, Handog na Tulong Pinansyal ng Pamahalaang Lungsod ng Imus

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Lingap Imuseño, isang programa na naglalayong makapaghatid ng tulong pinansiyal sa mga mamamayang hindi napabilang sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Napapaloob sa programa ang Php 2,000 halaga na ibabahagi sa mga kwalipikadong sambahayan.

Upang mas mapadali ang pamamahagi ng tulong sa mga mamamayang Imuseño, lumagda sa isang Memorandum of Agreement and Pamahalaang Lungsod ng Imus at UnionBank para sa paggamit ng EON Visa Card ng mga magiging benepisyaryo ng programa.

Ang EON Visa Card ay isang cash card kung saan ipapasok ang tulong pinansyal ng pamahalaan na maaaring i-withdraw sa alinmang Bancnet o Visa ATMS.

Bukod sa pagsulong ng cashless transaction ngayong new normal, masisiguro rin na mas magiging maayos at ligtas ang transaksyon ng mga mamamayang Imuseño.

Maaari ring gamitin ang EON Visa Card sa mga pamilihan at online stores o mobile application purchases. Maaari ring magpadala ng pera direkta sa nasabing cash card sa anumang branch ng Pera Hub at UnionBank.

 

Ano ang tulong na LINGAP IMUSENYO?

Ang tulong na LINGAP IMUSENYO ay ayuda mula sa Pamahalaang Lungsod para sa mga kwalipikadong sambahayan sa Imus na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.  Ang tulong na ito ay mula sa pondo mismo ng lokal na pamahalaan na nagkakahalaga ng P2,000 kada isang kwalipikadong sambahayan.

 

Ano ang ibig sabihin ng kwalipikadong sambahayan?

Ang  kwalipikadong SAMBAHAYAN or qualified household ay isang sambahayan na nag fill-out ng Lingap Imusenyo registration form, na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa SAP ng DSWD, hindi myembro na pamilya ng 4Ps, at ang puno ng pamilya (head of household) ay rehistradong botante ng Imus. Kung hindi man rehistrado ang puno ng pamilya, ay maaaring ang isa sa mga nakatalang miyembro ng sambahayan ay may rekord ng rehistro sa COMELEC-IMUS.

 

Ano ang LINGAP IMUSENYO Registration form?

Dito itatala ang mga mahahalagang impormasyon ng bawat sambahayan. Mahalaga ang pagtatala ng wasto at kumpletong impormasyon sa bawat form bilang pagkakakilanlan din ng bawat sambahayan.

Ang mga datos na nakatala dito ay mapapabilang sa rekord ng pamahalaan at magiging basehan nito para sa mga isasagawang programa.

 

Ang nakatanggap ba ng SAP at mga miyembro ng 4Ps ay dapat pa din na mag fill out ng Lingap Imusenyo Registration Form?

Dapat na mag fill out pa din ng Lingap Imusenyo Registration Form ang pamilya na may miyembro na nakatanggap na ng SAP. Lahat ng sambahayan ay dapat na magkaroon ng rekord sa Imus Data bilang paghahanda para sa mga susunod pang mga programa ng lungsod ng Imus.

 

Ang aming bahay ay mayroong tatlong pamilya na nakatira sa isang bahay, paano ang pagfill out ng form?

Maaari kayong mag fill out ng sari-sariling form, ang Lingap Imusenyo Validators Team ang siyang magkakaroon ng assessment sa inyong pamilya kung ilang sambahayan ang makokonsiderang bilang.

 

Kailan namin dapat isumite ang Lingap Imusenyo Registration Form?

May nakatakdang araw ang bawat barangay sa pagkuha ng Lingap Imusenyo Forms.

 

 

 

 

 

51total visits,6visits today

Add Comment