Larong Pinoy Ibinida sa ‘Pista ng Kabataan 2019’

Larong Pinoy Ibinida sa ‘Pista ng Kabataan 2019’

Noong ika-16 ng Agosto opisyal an binuksan ang programa sa ‘Pista ng Kabataan’ sa Imus Institute of Science and Technology (IIST) Covered Court na pinangunahan ng Youth Affairs Office.

Tampok dito ang mga larong Pinoy na kilala rin sa tawag na ‘larong kalye.’ Ilan dito ang Limbo Rack, Hula Hoop, Jumping Rope, Color Game, Patintero, Cheer dance Competition, Tamaang Tao, Chinese Garter, Luksong Tinik at Luksong Baka.

Kabilang sa mga nakilahok ang siyam (9) na cluster, Local Youth Development Council (LYDC), Imus Youth Leadership Development Program (IYLDP), Imus Empowered Youth Movement (IEYM), LGBT Youth, Pag-asa Youth Association of the Philippines – Imus (PYAP) at iba’t ibang youth organizations kabilang na ang JCI, SSG at Rotaract.

Ang mga nagwagi ay makakatanggap ng cash prize, medal, certificate at trophy. Bukod sa overall champion, namahagi rin ng special wards kabilang na ang Most Organized Team, Stariray Award para sa aktibong manlalaro at Best Yell.

Kinilala bilang overall champion ang PYAP Imus, LGBT Youth bilang 2nd place, Cluster 2 at 3 bilang 3rd place, Cluster 4 bilang 4th place at IYLDP sa 5th place.

Layunin ng programang ito na maisabuhay ang mga tradisyon at kulturang Filipino lalong higit sa makabagong henerasyon. Naipakita rin ang magandang resulta ng pagtutulungan ng bawat isa at nasubok ang katatagan at husay ng bawat kabataan sa mga ipinagawang aktibidad at palaro.

172total visits,1visits today

Add Comment