Kwentuhan sa Barangay, Hatid ay Kasiyahan at Aral sa mga Kabataan

Kwentuhan sa Barangay, Hatid ay Kasiyahan at Aral sa mga Kabataan

Storytellers at mga kawani ng Imus City Library kasama ang mga kabataang nakiisa sa Kwentuhan sa Barangay.

Kwentuhan sa Barangay, Hatid ay Kasiyahan at Aral sa mga Kabataan

Isinagawa ang Kwentuhan sa Barangay noong Marso 10 sa Barangay Medicion I-C sa tulong ng Imus City Library at mga opisyales ng barangay kasama ang mga storyteller na boluntaryong nakiisa sa programa.

Ang Kwentuhan sa Barangay ay inilunsad at ibinaba sa bawat barangay upang matulungan ang mga komunidad na hubugin ang mga kabataan sa tulong ng mga kwento na kapupulutan ng mga aral.

Ang programang ito ay naglalayon ding hikayatin ang partisipasyon ng mga bata at makiisa sa mga adbokasiya ng pamahalaan para sa ikagaganda at ikaaayos ng lungsod.

Tampok sa kwentuhan ang istorya ng “Pamilya Ismid at “Alamat ng Ampalaya” kasama sina Gng. Rosario E. Abawag, University of the East Senior Librarian at kanyang anak na si Bb. Erisa Cyrelle E. Abawag bilang mga storyteller.

Malaki rin ang pasasalamat ng Imus City Library sa suporta na ibinigay ng barangay para sa maayos na pagsasagawa ng proyekto kasama ang 52 na kabataan na nakiisa rin sa isinagawang book reading activity.

Storytelling ni Bb. Erisa E. Abawag sa mga kabataan ng Barangay Medicion I-C.

Matatandaan na noong buwan ng Nobyembre, nagsagawa rin ng kwentuhan sa Barangay Maharlika kung saan ito ay dinaluhan ng mahigit 140 na bata.

Nauna na sa proyektong ito ang “Kwentuhan sa Plaza, mga Bata Tara na!” na regular na isinasagawa tuwing una at ikatlong Biyernes ng buwan sa pakikipagtulungan ng City Parks and Historical Sites Administration Unit.

Ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay nais gawing regular na programa ng tanggapan na isasagawa bawat buwan upang mapasaya ang mga kabataan ng lungsod.

 

16total visits,1visits today

Add Comment