KusiNanay Cooking Competition: Masarap at Masustanysang Pagkain para sa mga Bidang Imuseño

KusiNanay Cooking Competition: Masarap at Masustanysang Pagkain para sa mga Bidang Imuseño

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa ika-46 na selebrasyon ng Nutrition Month sa temang “Batang Pinoy, SANA TALL… Iwas Stunting, SANA ALL!” sa pamamagitan ng programa nitong KusiNanay Cooking Competition sa pangunguna ng City of Imus Local Council for the Protection of Children (LCPC) noong ika-20 ng Hulyo.

Layunin ng programa na mahikayat ang mga mamamayang Imuseño sa paggawa ng masustansya, at murang lutuin para sa buong pamilya gamit ang mga kasakangpan na mula sa ibinahaging food packs ng lokal na pamahalaan bilang main ingredient.

Sa pakikipagtulungan ng City Health Office at City Social Welfare and Development Office, nagpaligsahan ang 11 na kalahok mula sa iba’t ibang cluster sa lungsod.

Ang mga ito ay sumailalim sa masusing pagpili ng mga hurado na sina Ms. Prescilda Igtiben kawani ng City Agriculture Services Office, Big Ben’s Kitchen Owner Mr. Generoso Gutierez at Federation of Imus Homeowners’ Associations Inc. (FIHAI) President Ms. Rosalie Baguio.

Ang putaheng Sardines Meatballs and Chicken in Cream Cheese ni Hannah Ruth Lumanog ng Cluster 6 ang tinanghal na Best KusiNanay at Best Presentation. Tinanghal naman bilang second place ang Cabbage Roll ni Shermie Co at Spag-Sar Con Malunggay ni Rowena Layaog ng Cluster 1.

Kinilala naman ang Sinigang na Corned Beef ni Juvy Rose Ladignon at Spag-Sar Con Malunggay ni Rowena Layaog bilang People’s Taste Awardees buhat sa pinakamaraming Facebook Likes sa isinagawang kompetisyon.

Ang selebrasyon ng Nutrition Month ngayong taon ay nakasentro sa usapin ng pagkabansot o stunting na siyang bunga ng kakulangan sa nutrisyon.

Ang Pilipinas ay nasa ika-siyam (9) sa buong mundo sa usaping ito. Ayon sa tala, nasa 3.6 milyong bata sa bansa ang dumaranas nito, at 30% dito ay na sa limang (5) taong gulang pa lamang at prone to risk sa iba pang mga sakit.

Ang stunting o pagkabansot ay nagdudulot ng mabagal na pagdevelop ng utak at katawan na siyang maaring makaapekto sa edukasyon at pamumuhay ng mga kabataan.

Upang matugunan ang suliraning ito, bahagi ng hakbang ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga regular na medical check-up, Operation Timbang, feeding program at immunization program.

Sa kinakaharap na krisis pangkalusugan ng bansa, mahalaga na nasisiguro ang maayos na kalusugan at malusog na pangangatawan ng mga mamamayan.

35total visits,1visits today

Add Comment