Kauna-unahang Solar Powered Bahay Bulilit Learning Center, Pinasinayaan sa Imus

Kauna-unahang Solar Powered Bahay Bulilit Learning Center, Pinasinayaan sa Imus

Naghatid ng higit na saya ang Ronald McDonald’s House Charities (RMHC) Philippines at City of Imus Local Council for the Protection of Children (LCPC) sa mga residente ng Jade Residences Malagasang I-G sa isinagawang blessing at turnover ceremony ng Bahay Bulilit Learning Center noong ika-4 ng Nobyembre bilang panimulang selebrasyon ng National Children’s Month.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Units (LGUs), nais ng programa na makapaghatid ng ligtas na lugar kasabay ng pagpapaunlad ng kakayahan at pagpapalawak ng kaalaman ng bawat kabataan.

Ang bawat LGU ang nagbibigay ng rekomendasyon para sa lugar na maaaring pagtayuan ng learning center. Ito rin ang nakatalaga sa pangangalaga at pagsasaayos ng pasilidad matapos itong itayo at buksan sa publiko. Samantala, ang DSWD naman ay nakasentro sa pangangalaga ng mga mag-aaral at sa tuloy-tuloy na oeprasyon ng Bahay Bulilit sa tulong ng mga child development workers nito.

Ang Bahay Bulilit sa Lungsod ng Imus ay ang ika-33 sa buong bansa at pangalawa sa buong Lalawigan ng Cavite. Katuwang ang Robles Heritage Solar, ito naman ang kauna-unahang Bahay Bulilit sa bansa na solar powered.

Kasama sa isinagawang programa ang RMHC Philippines at Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan at Congressman Alex “AA” L. Advincula.

Sa mensahe ng Punong Lungsod kanyang ibinahagi ang mga programa ng Pamahalaang Lokal na nakasentro sa edukasyon at kalinangan ng mga kabataang Imuseño. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa RMHC sa pakikiisa nito sa adbokasiya ng pamahalaan sa tulong ng mga ganitong programa.

940total visits,3visits today

Add Comment