Kauna-unahang DLSZ sa Cavite Inilunsad sa Lungsod ng Imus

Kauna-unahang DLSZ sa Cavite Inilunsad sa Lungsod ng Imus

Ribbon Cutting ng DLSZ-Vermosa Campus kasama si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Br. Raymundo B. Suplido, FSC, PhD, Br. Bernard S. Oca, FSC at Bishop Reynaldo G. Evangelista

 

LUNGSOD ng Imus – Pinasinayaan noong Hunyo 19, 2017 ang isa sa mga pinakamalaking edukasyunal na institusyon sa lungsod, ang De La Salle Santiago Zobel – Vermosa Campus.

Ang programa ay sinimulan sa isang mensahe ni Br. Bernard S. Oca, FSC, Presidente ng paaralan. Kaisa rin sa isinagawang programa si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Chairman of DLSZ Board of Trustees at Presidente ng De La Salle University Br. Raymundo B. Suplido, FSC, PhD, De La Salle Brothers sa pamumuno ni Br. Jose Mari Jimenez, FSC, Bishop Reynaldo G. Evangelista, OFS, DD, Schools Division Superintendent-OIC Dr. Editha Atendido, mga katuwang na institusyon na kinabibilangan ng Globe Telecom at Power Mac Center, Ayala Land Inc., Parents Association Officers, mga guro at namamahala sa paaralan.

Isinagawa ang ground breaking ng DLSZ noong Abril 5, 2016 kasama ang Ayala Land Inc. Kasunod nito, opisyal na sinimulan ang konstruksyon ng paaralan noong Hunyo 1, 2016 at binuksan ang klase noong Hunyo 21 ngayong taon.

Ang nasabing paaralan ay naglalayong makapagbigay ng kalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral sa tulong ng makabagong teknolohiya na nasasalamin sa kanilang mga pasilidad at programa.

Katuwang din ng Pamahalaang Lungsod ang institusyon sa pagpapatuloy ng epektibong serbisyo sa larangan ng edukasyon at paglilinang ng mga kakayahan ng mga kabataan.

Marami ring proyekto ang lokal na pamahalaan upang masigurado na ang bawat mamamayan ay matulungan na magkaroon ng abot-kayang edukasyon, kabilang rito ang Maliksing Iskolar. Sa programang ito tinutulungan ang mga Imuseño na makapag-aral sa pamamagitan ng tulong pinansyal na tutugon sa kanilang mga pangangailangang edukasyunal.

Bilang isa sa mga tinututukan din ng pamahalaan, inaasahan na magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at DLSZ sa paghahatid ng mataas na antas ng paglilingkod kaakibat ang suporta ng iba’t ibang sektor sa Imus.

140total visits,1visits today

Add Comment