Kauna-unahang Children and Youth Development Center sa Imus, Pinasinayaan

Kauna-unahang Children and Youth Development Center sa Imus, Pinasinayaan

Pinasinayaan noong Nobyembre 6, 2019 ang Maliksing Kabataan Building sa Imus Pilot Elementary School sa pangunguna ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi kasama ang bumubuo sa City of Imus Local Council for the Protection of Children (LCPC), Youth Affairs Office, mga opisyales at kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus.

Ang Maliksing Kabataan Building ang kauna-unahang Children and Youth Development Center sa lungsod na binubuo ng auditorium, children and youth library, information and communications technology room, conference room, LCPC Office at Youth Affairs Extension Office.

Naging posible ang proyektong ito sa tulong din ng City Engineering Office at City Architecture Office na siyang nanguna sa pagtatayo at pagsasagawa ng plano ng gusali.

Sa tulong ng bagong pasilidad, maibabahagi ng Pamahalaang Lungsod ang mga programa nito sa higit na nakararaming kabataan sa pagnanais na mapaunlad pa ang kaalaman, talento at kakayahan ng bawat Imuseño.

Bilang pag-asa ng bayan, naniniwala si Mayor Maliksi sa kakayahan at malaking potensyal ng bawat kabataan na maging instrumento ng pamahalaan tungo sa higit na kaunlaran.

Sa susunod na taon inaasahan ding bubuksan na ang mga pasilidad na nakapaloob dito na magbibigay daan sa mas marami pang programa para sa bawat kabataan sa lungsod.

32total visits,3visits today

Add Comment