Isulong ang Kooperatibismo sa Lungsod ng Imus!

Isulong ang Kooperatibismo sa Lungsod ng Imus!

Bilang Laboratory Cooperative Capital of the Philippines, kilala ang Imus sa mga makabagong programa nito para sa pagpapaunlad ng kooperatibismo.

Bahagi ng inisyatibo nito ang selebrasyon ng Linggo ng Imus Kooperatiba noong ika-21 hanggang 25 ng Oktubre tampok ang iba’t ibang aktibidad sa pangunguna ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial, Enterprise Development Office (CICLEDO).

Kabilang na rito ang EK Financial Literacy Festival na naghatid ng masasayang aktibidad para sa mga miyembro ng eskwela kooperatiba. Layunin ng programa na turuan ng tamang pamamaraan ng pag-iimpok ang mga kabataang Imuseño sa murang edad pa lamang.

Samantala, kabilang naman sa mga inilunsad na programa ay ang kauna-unahang Women’s Coop Summit sa Lungsod ng Imus sa temang “Women Participation in Cooperatives and Economic Development” na dinaluhan ng humigit kumulang 800 na kababaihan.

Dito, ipinamalas ang mga natatanging kontribusyon ng kababaihan para sa pagpapaunlad ng kooperatibismo sa lungsod. Dumalo sa talakayan si Sen. Risa Hontiveros bilang guest speaker na nagbahagi ng kanyang mga dbokasiya at iba’t ibang batas para sa mga kababaihan.

Aniya dapat na maipalaganap ang diwa ng kilusang kooperatibismo upang ang mga isasagawang adhikain nito ang maghahatid kaunlaran ng isang komunidad.

Naging sentro rin ng talakayan ang patungkol sa Gender and Development na ibinahagi ni Gng. Jelyn Laosantos-Maliksi, Ulirang Ina President. Nagbahagi rin ng kaalaman si Gng. Merlin Granada, Chairperson for Kababaihan ng Bacoor Multipurpose Cooperative para sa mga kababaihan na nais magtayo ng kooperatiba.

Sa tulong naman ng mga mag-aaral ng Imus Vocational & Technical School (IVTS) Hairdressing NC II, nakapagbigay ng libreng gupit, pedicure at manicure sa mga dumalong kakabaihan.

Kaagapay ang pamunuan ng kooperatiba ay naggawad din ng iba’t ibang parangal sa mga kooperatiba para sa Imus Kwentong Koop, Best Cooperative Print & Video Ads, at People Choice Award.

Naniniwala ang Lokal na Pamahalaan sa malaking kontribusyon ng kooperatiba sa patuloy na kaunlaran ng lungsod, at sa malaking tulong nito sa buhay ng bawat mamamayang Imuseño.

1199total visits,1visits today

Add Comment