Imus War Veterans, Kinilala ng Pamahalaang Lungsod

Imus War Veterans, Kinilala ng Pamahalaang Lungsod

Paggawad ng parangal kay G. Ernesto G. Francisco, Sr., para sa natatangi nitong kontribusyon noong Korean War.

Personal na pagbisita ni Mayor Maliksi sa mga war veteran ng World War II para ihandog ang parangal mula sa Pamahalaang Lungsod.

Sinimulan noong Abril 23 ang pagbibigay ng Certificate of Recognition at cash gift sa mga beterano ng lungsod na nakipaglaban noong World War II at Korean War.

Bilang pagkilala sa kagitingan at mga natatanging kontribusyon nila sa bansa, personal na pinuntahan ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang mga war veteran upang igawad ang handog ng Pamahalaang Lungsod.

Sa tala, 12 ang war veterans na ginawaran ng pagkilala ng pamahalaan at tumanggap ng Php 20,000.

Kasama sa mga binigyang pagkilala sina Ernesto G. Francisco, Sr., Luciano E. Candelaria, Antonio N. Camacho, Jose R. Garcia, Lorenzo R. Parcero, Federico O. Sabater, Maximino N. Santos, Casimiro R. Saul, Israel M. Sauler, Eustaquio De Jesus, Alfredo E. Sabater at Pacifico B. Camet.

Aniya ng Punong Lungsod, hindi matatawaran ang paglalaan ng buhay ng mga kapwa Imuseño para sa bansa at nararapat lamang na ito ay bigyang parangal. Bukod sa karangalan ng bansa, iwinagayway din nito ang tapang at kagitingan ng pagiging isang Imuseño sa digmaan.

26total visits,3visits today

Add Comment