Imus Tungo sa Malusog at Maayos na Pangangatawan

Imus Tungo sa Malusog at Maayos na Pangangatawan

Ang Lungsod ng Imus ay kabahagi ng bansa sa selebrasyon ng Nutrition Month tuwing buwan ng Hulyo sa pangunguna ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Nutrition Council sa temang “Kumain ng Wasto at Maging Aktibo, Push Natin ‘to!”

Bilang suporta, nagsagawa ng taunang programa nito ang iba’t ibang Child Development Centers (Day Care Centers) na nasa ilalim ng pangangalaga ng CSWDO. Kabilang sa mga isinagawang programa ang Buri Hat Design Making Contest at Cooking Contest gamit ang mga indigenous at masustansyang pagkain. Isinagawa naman ang championship at awarding ceremony nito noong ika-25 ng Hulyo sa CityMall Anabu.

Kaisa rin sa pagdiriwang ang City Nutrition Council na siyang nanguna sa pagsasagawa ng isang symposium tungkol sa kahalagahan ng wastong pagkain at pisikal na aktibidad noong July 30, 2019 sa Imus Sports Complex na dinaluhan ng 200 katao.

Nagsagawa rin ito ng Zumba Marathon noong ika-30 ng Hulyo sa Imus City Plaza upang higit na mahikayat ang mga mamamayang Imuseño tungo sa kahalagahan ng pageehersisyo at malusog na pangangatawan.

Isa sa mga tinututukan ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapababa sa malnutrition rate ng lungsod sa tulong ng mga programa nito at pagpapatibay sa mga ahensya na nakatutok sa kalusugan at nutrisyon ng mga Imuseño lalaong higit ng mga kabataan.

58total visits,1visits today

Add Comment