Imus, Naghatid ng Libreng Operasyon para sa mga Caviteño

Imus, Naghatid ng Libreng Operasyon para sa mga Caviteño

Muling nagsagawa ng malawakang libreng operasyon para sa mga ngongo (nasal defect), bingot (cleft palate) at iba pang minor conditions ang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus katuwang ang iba’t ibang samahan an nagsimula noong ika-7 ng Pebrero sa Ospital ng Imus.

Ang isa sa pinakamalaking libreng operasyon para sa nasal defect at cleft palate na isinagawa ngayong taon sa lungsod ay kinapapalooban ng 10 hanggang 20 operasyon kada araw. Sa tulong ng Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES) at sa programa nitong ‘HOPE’ (Help Other People Excel), daan-daang mga kababayan ang muling nabigyan ng masasayang ngiti.

Bukas din ang libreng operasyon sa iba pang karatig bayan ng Imus upang mas maparami pa ang matulungan ng nasabing programa.

Ayon naman kay Dr. Elmer S. David, MD, isang Associate Director for Operations – Division of Neonatology Clinical Professor of Pediatrics (Clinician Educator), ang pinakabatang dumaan sa operasyon ay nasa dalawang (2) buwan taong gulang at 38 taong gulang naman ang pinakamatanda.

Sinisigurado rin ng mga kawani ng ONI na ang lahat ay dumadaan sa masusing pagsusuri bago ito isailalim sa operasyon. Anumang sintomas ng sakit kagaya ng sipon, ubo at iba pa ay hindi maaaring sumailalim sa operasyon.

Matatandaan na nagsagawa rin ng malakihang operasyon ang nasabing organisasyon sa daan-daang Caviteño noong isang taon.

Bukod sa nasal defect at cleft palate, nagsagawa rin ng medical and surgical mission ang lungsod noong Pebrero 17 hanggang 20 sa tulong ng GC Rivera Foundation para sa gynecological cases, cholecystectomy, thyroidectomy, herniorrhaphy, breast mass excision at iba pang minor surgeries.

 

243total visits,1visits today

Add Comment